Ginang na may 5 anak, huli sa akto ng pagbebenta ng droga

Ginang na may 5 anak, huli sa akto ng pagbebenta ng droga

-Arestado ang isang 31-anyos na ginang sa Cebu matapos itong maaktuhang nagbebenta ng droga

-Kinasa ang isang buy bust operation at nagpanggap na buyer ang isang pulis

-Ayon sa suspek, unang beses lang umano siyang nagbenta ng droga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Timbog ang isang ginang na mayroong limang anak matapos itong maaktuhang naglalako ng droga sa Cebu.

Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, kinilala ang suspek na si Ritchell Betache, 31-anyos.

PAY ATTENTION: 21 Celebrities Who Preferred To Tie The Knot With Ordinary People

Nakuha mula kay Betache ang mga hinihinalang ipinagbabawal na gamot na nagkakahalaga ng P680,000.

Naaresto ang suspek sa isang buy bust operation. Isang pulis ang nagpanggap na buyer nito.

Giit naman ni Betache, unang beses lamang siyang nagbenta ng shabu at P1,000 lang daw ang ibabayad sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inaalala rin umano nito ang anak na 9-buwang gulang lang na pinapa-dede pa nito.

Wala rin umanong naiwan sa mga anak nito na wala pa umanong makakain.

Ngunit hindi kumbinsido ang mga awtoridad sa sinabi nito dahil matagal na umano itong under surveillance ng mga pulis.

Ilan rin sa mga naarestong tulak sa lugar ay itinuro ito bilang source ng droga ng mga ito ayon kay Police Lieutenant Colonel Glenn Mayam, chief ng Drug Enforcement Group (DEG) Visayas.

Kinilala rin si Betache bilang live-in partner ng isang preso na naaresto rin dahil sa pagtutulak ng droga.

Ginang na may 5 anak, huli sa akto ng pagbebenta ng droga

Photo source: Google Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel