Ex-con na palaboy, nais makita ang pamilyang ilang taon niyang tinaguan

Ex-con na palaboy, nais makita ang pamilyang ilang taon niyang tinaguan

- Nanawagan ang isang netizen para sa isang matandang dati pa lang nakakulong at nais nang makita ang pamilya

- Mula nang siya ay nakalaya, pinili niyang di magpakita sa kanyang pamilya dahil daw sa matinding kahihiyan

- Matanda na ang ex-con na nakilalang si Danilo Gonzales at handa na raw itong makasama ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng netizen na si JL Magabilin na nanawagan para sa isang ex-con na palaboy na si Danilo Gonzales.

Kwento ng matanda, 23 taong gulang pa lamang siya noong siya ay nakulong at mula noon, di pa niya muli nakakasama ang kanyang pamilya.

Matagal na raw patay ang asawa niyang si Reymunda ngunit tanda pa nito ang pangalan ng kanyang mga anak na sina Angelita at Evelyn Gonzales.

PAY ATTENTION: Caught In the Act: 15 Celebrities Who Have Cheated On Their Partners

Di na siya nagpakita sa mga anak kahit matagal na siyang nakalaya dahil ayaw lamang niyang mapahiya ang mga ito.

Ngunit ngayon, matanda at nanghihina na raw si Danilo. Walang ibang nag-iintindi sa matanda at nabubuhay lamang ito sa mga bigay ng kanyang mga kapitbahay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala raw ibang hiling si Danilo araw-araw kundi ang makapiling na muli ang kanyang mga anak.

Taga Lucena city sa probinsya ng Quezon ang matanda ngunit sa ngayon ay namamalagi ito sa Bulacan.

Hangad ng marami na makita ng pamilya ni Danilo ang post nang sa gayon ay maisakatuparan na ang matagal nang minimithi ng matanda.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel