5 anyos na batang ayaw pumasok sa eskwela, pinagkalakal ng magulang

5 anyos na batang ayaw pumasok sa eskwela, pinagkalakal ng magulang

- Nag-viral ang ginawa ng mga magulang ng isang limang taong gulang na bata dahil sa ayaw nitong pumasok sa paaralan

- Hinayaan nila itong mangolekta ng basura at kalaunan ay ibenta

- Marami man ang umalma sa ginawa na ito ng mga magulang ngunit matapos itong gawin sa bata, pumasok na raw ito sa paaralan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahit ano raw pilit ng inang si Nuttanitcha Chotsirimeteekul ng Bangkok, Thailand, ayaw pumasok ng paaralan ng kanyang limang taong gulang na anak na lalaki.

Ayon sa kanyang nag-viral na Facebook post, nahirapan talaga sila noong kumbinsihin ang anak na pumasok araw-araw sa paaralan kaya naman nag-isip sila ng mabisng estratehiya upang makapasok ito.

Pinakita ng ina ang larawan ng anak na nangongolekta ng mga basura. Hinayaan daw nila itong gawin ng bata bilang bahagi ng pagtuturo dito ng kanyang leksyon.

Nakapag-ikot sila sa layong 2.2 kilometro at naka-ipon ng nasa 2 kilo ng basura.

PAY ATTENTION: 12 Times Meghan Markle Went Against Royal Rules

Nang kanila itong ibenta sa junk shop, umabot lamang ang halaga ng naipong basura sa 2 baht o nasa mahigit tatlong piso lamang.

Sa labis na pagod, nais bumili ng ice cream ng bata ngunit sabi ng ina nitong ang pera mula sa pangangalakal ang gamitin. Ngunit dahil kulang ito, sinabi ng batang umuwi na lamang sila.

Inaya na rin niyang mag-bus ang ang ina ngunit sinabi nitong kulang ang pera pamasahe. Kung nais niyang sumakay, hahanap uli sila ng basurang ibebenta.

Sinabi ng bata na maglalakad na lamang sila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, pinaunawa ng ina ang hirap ng buhay kung di raw nag-aral ang anak. Mula noon, di na nahirapan si Nuttanitcha na papasukin sa paaralan ang anak.

Hinangaan ang ina sa ginawa niyang ito sa anak. Isa raw itong mabisang paraan na sa murang edad ng bata, malaman na nito ang realidad ng buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda’s new photos as groomsman immediately go viral on social media

Vice Ganda’s new photos as groomsman immediately go viral on social media

Vice Ganda’s new photos as groomsman immediately go viral on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel