Ex-yaya, kasambahay at mananahi, magtatapos bilang magna cumlaude

Ex-yaya, kasambahay at mananahi, magtatapos bilang magna cumlaude

-Mula sa mahirap na pamilya sa Cebu ang dalagang magtatapos bilang Magna cumlaude

-Bagamat huli na nang makapagsimula sa kolehiyo, 'di ito naging hadlang para abutin nito ang pangarap

-Minsan na rin daw nitong naisip na bumitiw at magtrabaho na lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Magtatapos bilang Magna cumlaude ang dalagang si Grace Labrador Bacus sa kabila ng hirap na dinanas.

Ayon sa report ng Cebu Daily News, dating naging yaya, kasambahay at mananahi ang dalaga para lang makatulong sa pamilya at maipagpatuloy ang pag-aaral.

PAY ATTENTION: Decades Later, How Some Of Our Favorite Celebrities From The 90’s Have Transformed Over The Years

26-anyos na rin siya nang makapagsimula sa kolehiyo dahil na rin kinailangan niyang kumayod para sa mga mahal sa buhay.

Ikatlo ito sa siyam na magkakapatid. Jeepney driver ang kanyang ama at street sweeper naman sa isang public market ang kanyang ina.

Nang magsimula daw siya sa kolehiyo, palagi niyang sinisiguro na ibinibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, patuloy siyang nakakapasok sa Dean's list.

Ngunit dumating rin daw ang dalaga sa puntong gusto na lang niyang isuko ang pangarap at mag-trabaho sa ibang bansa nang makakuha ng 72 units sa kolehiyo.

Pinigilan lamang siya ng kanyang propesor at mga magulang dahil sa ipinakita niyang abilidad sa pag-aaral.

Mabuti na lamang at sinunod niya ang mga ito dahil magtatapos siyang matagumpay sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English sa Talisay City College.

Mula sa KAMI, binabati namin ang iyong tagumpay Grace!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel