Lalaking naghahanap sa nawawalang sumbrero, may pabuyang ₱5,000 sa magsasauli nito

Lalaking naghahanap sa nawawalang sumbrero, may pabuyang ₱5,000 sa magsasauli nito

- Nag-viral ang larawan ng isang foreigner na nawawalan umano ng sumbrero

- Mahalaga raw ito sa kanya dahil bigay ito ng kanyang ina

- Naglaan siya ng ₱5,000 pabuya sa makakapagsauli nito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang larawan ng isang foreigner na mahigit isang linggo na raw naghahanap sa kanyang nawawalang sumbrero.

Makikita sa post na binahagi ni Cyrus T. Sabino, gumawa pa ang foreigner ng tila isang poster na may larawan ng sumbrero at ang halaga ng gantimpala niyang ₱5,000 sa kung sinuman ang makakakita nito at makakapagsauli sa kanya.

PAY ATTENTION: 12 Times Meghan Markle Went Against Royal Rules

Ayon sa foreigner na ito, bigay daw ito ng kanyang ina bago ito pumanaw kaya ganun na lamang ito kahalaga sa kanya.

Sa kasamaang palad, di niya ito inaasahang mawala.

Marami na rin ang nakakita dito na di umano'y nasa Boracay at pinatotohanan nila na talagang naghahanap ito sa nawawalang sumbrero.

Halo halong reaksyon ang naramdaman ng mga taong nakakita sa lalaki. ang ilan ay naawa habang ang ilan ay natawa na lamang dahil baka wala na lang daw talaga sa sarili ang lalaki.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens:

"totoo yan. dito yan sa boracay nawala. naka blotter ung picture ng cap kung saan saan."
"Dna kailangan ng rewards dpat isoli nlng ng nka kuha"
"Haha, bumili ng cheap, gayahin yung nasa picture, reward limang libo"
"Si koya wala na sa sarili... kawawa naman"
"May mabuti syang puso..pinahahalagahan nya yung bigay ng mama nya..makikita mo din yan bro lakihan mo lang reward..ganyan kaya sila baka nakawin pa sa nakapulot e haha"
"Tapos biglang social experiment lang pala..."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
5 sakit na maaring makuha sa labis na pagbababad sa aircon at electric fan

5 sakit na maaring makuha sa labis na pagbababad sa aircon at electric fan

5 sakit na maaring makuha sa labis na pagbababad sa aircon at electric fan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel