Kwento ng houseboy na nagtapos ng kolehiyo, umantig sa puso ng marami

Kwento ng houseboy na nagtapos ng kolehiyo, umantig sa puso ng marami

- Viral ang kuwento ng houseboy na si Reymark De Asis na nagtapos ng kolehiyo sa kabila ng hirap sa buhay

- Inialay niya ang kanyang tagumpay na ito sa ama niyang nabulag dahil sa komlikasyon sa operasyon sa ilong

- Bilin ng tatay niya na sikaping magtapos ng kolehiyo na tinupad naman ni Reymark kahit pa pumanaw na ang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naatig ang puso sa kwento ng tagumpay ng netizen na si Reymark De Asis. Binahagi niya ang nakakaiyak na mga pinagdaanan ng kanilang pamilya lalo na ng kanyang ama.

Sa post ni Reymark, tinangkilik niya ang pagiging responsable ng kanyang ama kahit pa grade 2 lang ang narating nito sa pag-aaral.

Sa kabila raw kasi ng kasalatan nito sa edukasyon, nagawa pa rin ng kanyang ama na itaguyod ang kanilang pamilya ng maayos at sa marangal na paraan.

Pinanganak at lumaki si Reymark sa EB Magalona sa Negros Occidental. Mula pagkabata, nasaksihan na niya ang sipag at determinasyon ng ama niyang si Rogelio De Asis kahit pa ito'y mananabas lamang dati sa tubuhan at naging kobrador ng small town lottery sa kanila.

PAY ATTENTION: 15 True Facts About Meghan Markle Before Meeting Prince Harry

Nabago ang lahat noong 2010 nang malaman nilang may tumor na pala sa ilong ang ama ni Reymark dala ng sinusitis.

Napa-opera naman nila ito subalit ito ang naging dahilan ng pagkabulag ni Mang Rogelio. May nasaging ugat na konektado sa mata ang doktor na nag-opera kaya nawala ang paningin ng ama ni Reymark.

Haolos gumuho noon ang mundo ng kanilang pamilya lalo pa at alam naman nilang mabuting ama si Mang Rogelio.

Pilit na pinalalakas ng anak ang loob ng ama na binilinan naman siyang magtapos ng pag-aaral.

Pumasok si Reymark bilang houseboy at kahit malayo sa pamilya, tiniis niya ito at siniguro na lamang na natatawagan ang mga ito ng madalas lalo na ang kanyang ama.

Ngunit bago pa man ito nakapagtapos sa kolehiyo, pumanaw na si Mang Rogelio.

Di ito naging dahilan upang panghinaan si Reymark, bagkus lalo pa niyang pinagbuti ang pag-aaral upang tuparin ang pangarap ng ama.

Kaya naman ngayong nakatapos na siya, alaya niya ang tagumpay sa ama na naniwala sa kanyang kakayahan at minsang nangarap para sa kanyang ikabubuti.

Dahil dito, marami ang humanga sa kwento ni Reymark at nagbigay daw ito ng inspirasyon sa kanila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Congratulations. Maka inspire masyado story mo. While reading the story bigla nalang akong naiyak. Goodluck and God bless to your journey. Laban lang."
"Congrats God bless nkaka inspired story mo...godbless kasubo sg story mo napa luha man ko samtang ginabasa pero ndi mo gd binigo family mo proud gd sila cmu... good luck to your journey... godbless"
"Congratulations! Two thumbs up and salute for you. You did a great job!. May God continue to bless you"
"As i read the story...di ko mpigilan maluha...coz i love my tatay and nanay so much...but since fathers girl ako lahat ng pwd kung gawin at ibigay pra sakanya ginagawa ko na ngayong habang buhay pa sila ni nanay ko..i salute to your hard work, positive out look and determination in life...congratulations"
"Wow! just wow! grabe nga luha ng gwa sa mata ko. but anyway Congrats Mark & God bless you."
"Congrats kahanga hanga ka, nakakaiyak ang kwento u..."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look sa socmed

Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look sa socmed

Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel