Mister, ibinulgar ang pakiki-apid ng asawang OFW sa social media

Mister, ibinulgar ang pakiki-apid ng asawang OFW sa social media

-Sa pamamagitan ng social media, ibinulgar ng isang mister ang "kalokohan" umano ng kanyang misis na isang OFW

-Sa kanyang Facebook post, in-upload niya ang ilang larawan ng asawa kasama ang diumano'y kabit nito

-Ayon sa isang post ni mister, inamin rin mismo ni misis na may nobyo na ito sa ibang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng social media, 'di na nagpatumpik-tumpik pa ang isang mister nang ibulgar nito ang pangangalunya umano ng kanyang misis na isang overseas Filipino worker (OFW).

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si Jicker MarivelesSingson ang ilang larawan ng misis kasama ang diumano'y kabit nito.

PAY ATTENTION: 15 Memorable Photos From The Amazing Baby Shower Of Meghan Markle

Kasama rin sa post nito sa social media ang ilang conversation nilang dalawa kung saan makikitang umamin umano si misis na may nobyo na ito sa ibang bansa.

Umani naman ito ng ilang reaksyon mula sa mga netizen,

"Kasalanan din ng lalaki bakit pinayagan mag abroad? Kung nagsumikap yun lalaki para mamuhay sila ng maayos. Yun babae pa yun naghahahanap buhay."

"Nagsumikap nga pero ang tanung prioridad ba ang anak? Grabe kahit di pa kau kasal nyan ikaw at ikaw parin nanloko. Alam ng matinung babae yan teh."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Alam mo, wala yan kung babae o lalaki, wala sa kasarian, itsura, edad o lahi yan. kung manloloko, manloloko. Ganun lang kasimple yun. Hindi mo na kailangang sabihin na hustisya sa lalaki, kasi hustisya din sa mga babaeng naloko at niloko at patuloy na niloloko."

"Kakahiya ka ate Kaya mababa ang tingen nang mga ibang lahi sa mga pinay sa Dubai nang dahil sa mga pinag gagawa u hahaha TIIS TIIS din pag my time."

"Naiinis ako sa mga cheater talaga! Sa kbilang banda, para kay kuya - sapat lang ba na nagsabe ka ng sorry sa mga anak mo? Na kakalat sa social media na yung babaeng nagluwal sa knila e ganyan ang gnawa?"

Samantala, isang netizen naman ang nag-comment at sinabing hiwalay na umano ang mag-asawa.

Ayon sa netizen na si Kruuchie Khrasse Agir, dati ng may isyu ang mga ito. Bukod rito ay wala umanong trabaho ang lalaki at nakikitira lamang sa pamilya ng misis nito.

Dati na rin umanong sinaktan ng lalaki ang kanyang misis. Maging ang kanilang mga anak ay ang pamilya ng babae ang bumubuhay dahil sa pagkukulang ni mister.

Bukas po ang KAMI para pakinggan ang magkabilang panig.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Comelec Commissioner Guanzon dares and airs strong words against Cardema

Comelec Commissioner Guanzon dares and airs strong words against Cardema

Comelec’s Guanzon dares and airs strong words against Cardema
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel