Kapuso actor Kevin Santos, isang ganap na lisensyadong piloto na

Kapuso actor Kevin Santos, isang ganap na lisensyadong piloto na

- Kapuso actor Kevin Santos na unang nakilala sa StarStruck ay isang ganap na lisensyadong piloto

- Isa na nga'ng licensed private pilot si Daboy ng 'Daddy's Gurl'

- Ang ibig sabihin daw nito, maari na raw siyang magpalipad ng ilang piling klase ng mga private aircraft, saad pa Tunay Na Buhay feature nito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pwede na nga raw magpalipad ng ilang mga piling klase ng mga private aircraft ang Kapuso actor na si Kevin Santos, ayon pa sa napag-alaman ng KAMI.

Fineature sa Tunay Na Buhay si Daboy ng 'Daddy's Gurl' ng GMA-7, at ani pa sa balita, isang ganap na licensed private pilot na ang dating StarStruck candidate.

At matapos pa umano nito, gusto raw ni Keven na ituloy ang ito sa pagiging isang commercial pilot.

Pag naging commercial pilot siya, makakapalipad na umano siya ng pampasaherong eroplano para sa mga airlines.

Saad pa ni Kevin:

"Yes, diretso na 'to. Habang naka-break, habang hinihintay ko 'yung check flight, nag-ground schooling na ko for commercial pilot. Natapos ko na siya."

Dagdag pa ng Kapuso aktor:

“Flying na lang 'yung ibi-bill ko and another check flight na naman pero mas bigger plane na."

Ikinuwento rin ni Kevin na hindi raw madali sa kanya ang pag-abot ng kaniyang pangarap na maging isang piloto dahil may kamahalan daw ang naturang kurso.

Kaugnay nito, malaking bahagi raw ng kanyang kinikita bilang isang artista ay inilalaan umano niya para rito.

Patuloy pa na pagkuwento ng aktor:

"Ninety percent nandito. So far, nakaka-survive naman. 'Yun nga lang, medyo hindi na ko nakakalabas ng bahay. Hindi ako nakakagimik. Wala nang ganoon simula last year pa. Wala na kong labas ng bahay kasi focus ng aral and, siyempre, kailangan magtipid dahil sa food and support sa family."

Kamakailan lang, ibinahagi rin namin ang isa pang arista na pangarap din ang maging isang ganap na piloto na si Ronnie Liang.

PAY ATTENTION: Top 15 Wedding Photographs That Blew Our Minds Away

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As we celebrate International Women’s Month, our team went out to the streets to give flowers to all beautiful, strong women.

Get more exciting, fun, insightful, and inspiring videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizen, nahabag sa Grab Food delivery man na walang kapote sa kasagsagan ng ulan

Netizen, nahabag sa Grab Food delivery man na walang kapote sa kasagsagan ng ulan

Netizen, nahabag sa Grab Food delivery man na walang kapote sa kasagsagan ng ulan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel