Guro, na-stroke dahil sa pangbubully umano ng kapwa guro din

Guro, na-stroke dahil sa pangbubully umano ng kapwa guro din

-Hindi maiwasang magalit ang isang babae sa isang guro na nang-bully umano sa kanyang ina

-Dahil dito, inatake at dumanas ng mild stroke ang ginang

-Bukod sa guro, inirereklamo rin nito ang principal ng eskwelahan na pinapasukan ng dalawa dahil sa pag-kampi umano nito sa kanilang inirereklamo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpupuyos sa galit ang netizen na si Anne Gabrielle nang idulog nito ang reklamo sa isang kapwa-guro ng kanyang ina.

Ayon dito, dahil sa pang-bu-bully ng gurong si Angelique DiaMat, inatake at dumanas ng mild stroke ang kanilang ina.

Ang pangyayaring ito, ibinahagi rin ni Anne sa socila media.

Ibinahagi rin niya ang ilang larawan ng kanyang ina na nasa ospital at tila hirap na hirap.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon kay Anne sa isang panayam sa KAMI, ilang beses na umanong binastos at ipinahiya ni teacher Angelique ang kanilang ina.

Ang huling pangyayari kung saan ipinahiya umano ito ng kapwa guro ay sa harap pa ng mga estudyante, na hindi na umano kinaya ng kanilang ina.

Bukod sa kapwa guro, inirereklamo rin ng pamilya ang principal ng eskwelahan na pinapasukan ng dalawa.

Ayon kay Anne, nobya ng anak nito ang inirereklamong guro kung kaya naman biased umano ito.

Nais ng pamilya na makarating ang insidente sa Department of Education upang maimbestigahan ang pangyayari.

Bukas po ang KAMI sa panig ng inirereklamong guro at punongguro.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni Gonzaga, isiniwalat na si Melai Cantiveros ang kanyang paboritong PBB housemate

Toni Gonzaga, isiniwalat na si Melai Cantiveros ang kanyang paboritong PBB housemate

Toni Gonzaga, isiniwalat na si Melai Cantiveros ang kanyang paboritong PBB housemate
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel