10-anyos, naibangga ang isang SUV! Isang babae, nakaladkad pa nito

10-anyos, naibangga ang isang SUV! Isang babae, nakaladkad pa nito

-Hindi na nakaligtas ang 58-anyos na babae nang makaladkad at maipit ito ng isang SUV na minamaneho ng isang 10-anyos na bata

-Hindi raw kasi namalayan ng ama ng bata na bumalik sa kanilang sasakyan ang paslit

-Nag-usap na umano ang dalawang pamilya kaugnay sa insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na nakaligtas pa ang 58-anyos na si Flordelina Susa nang makaladakad ito ng isang SUV na minaneho ng isang 10-anyos sa Banna, Ilocos Norte.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nasa bahay ng sekretarya ng barangay ang biktima kasama ang dalawa pang ka-barangay.

Naroon rin ang ama ng bata na iniwan palang bukas ang makina ng kanilang sasakyan sa labas ng bahay.

Hindi umano nito namalayan na bumalik sa sasakyan ang kanyang anak.

"Umaandar ang sasakyan na iniwan ko. Hindi ko alam na bumalik siya sa sasakyan. Siguro baka nilaro ‘yung kambiyo," anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dumirecho ang sasakyan sa garahe ng bahay at doon na nangyari ang insidente. Naipit umano ang biktima sa pader ng bahay.

Isinugod pa ito sa ospital ngunit binawian rin ng buhay kinalaunan.

Habang ang bata naman ay na-trauma sa nangyari at sasailalim sa guidance counselling, bagamat ligtas naman ito mula sa 'di inaasahang insidente.

Ayon pa sa report, hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima at nag-usap na umano ang dalawang panig.

Nangako na rin ng tulong ang pamilya ng bata.

10-anyos, naibangga ang isang SUV! Isang babae, nakaladkad pa nito

Photo source: Google Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Actual video sa guho sa Porac nang yanigin muli ng lindol; rescuer, takbuhan

Actual video sa guho sa Porac nang yanigin muli ng lindol; rescuer, takbuhan

Actual video sa guho sa Porac nang yanigin muli ng lindol; rescuer, takbuhan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel