Ina, nahuli ang modus na namimigay umano ng libreng iPhone sa mga dalagita

Ina, nahuli ang modus na namimigay umano ng libreng iPhone sa mga dalagita

- Isiniwalat ng isang magulang ang modus ng di umano'y fake account sa Facebook na namimigay ng libreng cellphone

- Naalarma ang inang ito dahil imposibleng namimigay lamang ito ng mamahaling cellphone ng walang kapalit

- Nahuli mismo nito ang pinagagawa sa mga dalagita na "ka-chat" ng "Aragon Mia" na account bago raw padalhan ito ng cellphone

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang nakaalarmang post ng isang ina tungkol sa natuklasan niyang modus ng Facebook user na si "Aragon Mia" na namimigay umano ng libreng cellphone sa mga batang babae.

Isiniwalat ni Grace Reyes ang natuklasan niyang conversation ng kanyang anak na babae at ni Mia Aragon.

Ayon kay Grace, minomonitor naman niya ang bawat ginagawa ng anak sa mga social media accounts nito.

Katunayan, ang pakikipag-usap daw umano nito kay "Mia" ay pinagpaalam pa nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi ng kanyang anak, nais nitong tingnan kung "qualified" daw siya sa iPhone giveaway ni Mia.

Pumayag ang ina ngunit maya't maya naman niyang tinitingnan ang conversation.

Makukumbinsi raw talaga ang mga dalagita na makipag-usap kay 'Mia' dahil may ilang nagkomento na nakatanggap talaga ng iPhone.

Laking gulat ni Grace nang makitang pinaaatras na ang kanyang anak para raw makita ang "balikat" nito.

Dito, kinuha na ni Grace ang cellphone ng anak at nagpakilala na siyang ina ng ka-chat ni 'Mia'.

Agad niyang na-block ang account ni 'Mia' at ini-report agad ang pangyayaring ito.

Ang nakalabahala pa rito, may ilang netizen din ang nagkomento na pag di raw nagustuhan ni 'Mia' ang katawan ng kanyang ka-chat, di niya io pinadadalhan ng cellphone at ang malala, pinakakalat pa umano nito ang larawan na pinadala ng mga dalagitang nakakusap.

Bukod sa report na pinadala nila sa Facebook. Pinagbigay na rin nila ito sa kinauukulan. Maging sa mga programa na maari silang tulungan upang mahanap ang nasa likod ng modus na ito ay nalapitan na rin nila.

Para sa publiko, kung may anak silang dalagita, maaring kausapin nila to at baka isa na pala sila sa nabiktima ni 'Mia'.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Bangkay ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa

Bangkay ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa

Bangkay ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel