Mga magulang ng 9-anyos na ginahasa umano ng 6 lalaki, posibleng kasuhan

Mga magulang ng 9-anyos na ginahasa umano ng 6 lalaki, posibleng kasuhan

-Posibleng makasuhan ang mga magulang ng 9-anyos na batang babae sa Cebu ayon sa PNP

-Ayon kasi sa mga awtoridad tila hindi naalarma ang mga ito kahit pa nga nalaman ng mga ito ang krimen na ginawa sa kanilang anak

-Sabi pa sa isang report, walang plano ang mga ito na magsampa ng kaso laban sa mga suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Posible umanong makasuhan ang mga magulang ng 9-anyos na batang babae na ginahasa umano ng anim na lalaki.

Ito ay ayon kay Police Major Rolan Aliser, ng Argao Police Station sa isang report ng Cebu Daily News.

Sabi pa ni Aliser, iniimbestigahan nila ngayon ang mga magulang na tila may kapabayaan sa nangyari sa biktima.

Tila hindi rin umano naalarma ang mga ito sa kabila ng kaalamang nagahasa ang kanilang anak ng anim na lalaki.

“The crime happened last Monday (March 25, 2019) but the parents did not bother on reporting it immediately. Our informants were not even the parents,” ani Aliser.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“The victim apparently reported it to her teacher, who was one of our informants. One of their neighbors also reported the incident to us,” dagdag pa nito.

Ayon naman sa ulat ng Manila Bulletin, wala raw planong magsampa ng kaso ang mga magulang ng bata.

Magrereklamo lang umano ang mga ito laban sa anim na suspek kung uulit pa ang mga ito na una nang naibalita ng KAMI.

Ayon sa imbestigasyon, ginahasa ang 9-anyos na biktima sa isang bakanteng lote sa isang barangay sa Argao, Cebu.

Kabilang sa anim na mga suspek ang tiyuhin nito na umaming dati nang ginalaw ang biktima at isang pinsan ng biktima na isang menor de edad.

Mga magulang ng 9-anyos na ginahasa umano ng 6 lalaki, posibleng kasuhan

Photo source: Google Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bangkay ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa

Bangkay ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa

Bangkay ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel