Raffy Tulfo, nag-alok ng P500K para madakip ang suspek sa Marcos Highway incident

Raffy Tulfo, nag-alok ng P500K para madakip ang suspek sa Marcos Highway incident

-Dumulog ang isang kaanak ng biktima ng mag-asawang biktima ng hit and run sa Marcos Highway sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong

-Nabalian ng buto sa binti ang driver ng motorsiklo habang ang asawa naman nito na angkas nito ay kritikal sa ospital

-Nag-alok ng P500,000 si Raffy Tulfo para sa makakatulong para makita ang suspek na bumunggo sa mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog ang kaanak ng mag-asawang biktima ng hit and run sa Marcos Highway noong Marso 26 sa programang Raffy Tulfo in Action.

Una nang naibalita ng KAMI ang insidente kung saan nakuhanan mismo ng isang dash cam ang pagsagi ng isang kotse sa motorsiklo ng mga biktimang sina Rossana Ugto at Joseph Belen.

PAY ATTENTION: 15 Rare But Remarkable Images Of The Royal Family

Ayon sa Facebook post ng programa, nag-alok ng P500,000 na reward si Raffy Tulfo para sa sinumang makakapag-bigay impormasyon kung nasaan ang suspek sa insidente.

Ayon pa sa PNP, posible umanong sinadya ang pagbunggo dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nanawagan ang pamilya para sa madakip ang driver ng kotse.

Ayon pa sa isang kaanak ng mga biktima, 3% na lang daw ang tyansa para mabuhay si Rossana na na-comatose,matapos silang tumilapon mula sa kanilang motorsiklo, ayon sa mga doktor.

Isang gold, Honda Accord umano ang kotse ng suspek na hindi na-plakahan ng mga pulis dahil walang malinaw ng CCTV sa lugar.

Para naman sa makapagbibigay ng impormasyon sa krimen, maari umanong magpadala ng private message sa Facebook page ng programang Raffy Tulfo in Action.

O kaya naman ay magsadya sa kanilang tanggapan sa TV5 Media Centre, Reliance cor. Sheridan St., Mandaluyong.

Mananatili umanong confidential ang lahat ng impormasyon nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkasintahang kinakasal, tinuloy ang seremonya kahit lumilindol

Magkasintahang kinakasal, tinuloy ang seremonya kahit lumilindol

Magkasintahang kinakasal, tinuloy ang seremonya kahit niyayanig na ng lindol
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel