Bride, binuko ang panloloko ng kanyang groom sa mismong araw ng kanilang kasal

Bride, binuko ang panloloko ng kanyang groom sa mismong araw ng kanilang kasal

- Isang bride ang nagbuko sa kanyang groom ng kalokohan nito sa mismong araw ng kanilang kasal

- May di kilalang numero ang nagpadala ng mensahe sa bride na si Casey na naglalaman ng larawan ng kanyang groom na may kasamang ibang babae

- Imbis na wedding vows, binasa niya ang mga "ebidensya" ng panloloko ng kanyang nobyo sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di natuloy ang kasal ng isang netizen na buong tapang na siniwalat ang panloloko ng kanyang nobyo sa mismong araw sana ng kanilang kasal.

Sa post ng Pinoy Yan, binahagi ng bride na nagpakilala lamang na si Casey kung paano niya nadiskubre ang pambababae ng kanyang groom na si Alex.

Gabi bago ang kanilang kasal, nakatanggap si Casey ng ilang mensahe mula sa di niya kilalang tao.

Ang mga mensahe na ito ay naglalaman ng larawan kung saan may kasamang ibang babae si Alex.

PAY ATTENTION: Pinoy Celebrities Whose Relationships Are Not So Well-Known

Di lang ito, pati ang mga mensahe ni Alex sa babaeng iyon ay naipadala rin kay Casey.

Habang tinitingnan ang larawan at binabasa ang mensahe, iyak na lamang ng iyak si Casey at biglang naisip ang minsang nagduda na siya sa nobyo.

Nakaramdam daw kasi noon si Casey ng til pagloloko ni Alex ngunit di na lamang niya ito pinansin.

Ngunit ngayon, kumpirmado na ang lahat kaya labis ang hinanakit ni Casey.

Sa mismong araw ng kasal, pinaliwanag na agad ng bride na walang kasal na magaganap.

Imbis na wedding vows ang sinambit nito, binasa niya ang mga mensahe ni Alex sa babae nito.

Laking gulat ng kanilang mga bisita sa mga nilantad ni Casey. Sinubukan itong awatin ng kanyang nobyo ngunit tinuloy pa rin ni Casey ang pagbabasa ng mga mensahe kahit siya na mismo ang labis na nasasaktan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

” I love all of you and as horrible as this is I’m glad you all are here. There will not be a wedding reception today, but instead, there will be a celebration of honesty, finding true love and following your heart even when it hurts,” bilang pagtatapos ni Casey sa kanyang pahayag.

Narito ang ilang komento ng ilang netizens:

"Tama lang ang kanyang ginawa....mahirap magpakasal ng may naglulukohan"
" I think d pangangaliwa ang tawag duon kse d kyo kasal. So kung ikw ang pinili nya it means ikaw ang gsto nya mkasama habang buhay...so kung may revenge kang inisip kya ka nagpakasal, ikw pa ung lumabas na masama na sa akala nya npatawad mo na sya. It’s good to forgive & forget at ikakalugod po yan ng Dios..."
"Tam yan kesa naman pagdusahan mo yan habang buhay"7

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo unfazed by statements of Gerald Anderson's mom

Bea Alonzo unfazed by statements of Gerald Anderson's mom

Bea Alonzo posts on Instagram a day after the controversial statements of Gerald's mom
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel