Suspek sa pagpatay sa 12-anyos na ginilitan sa leeg noong Enero, pinsan nito

Suspek sa pagpatay sa 12-anyos na ginilitan sa leeg noong Enero, pinsan nito

-Sumuko sa pulisya ang totoong salarin sa pagpatay sa isang 12-anyos na dalagita noong Enero sa Caloocan

-Ang suspek na napag-alamang pinsan pala ng biktima, umaming naka-droga siya ng mga panahong iyon

-Dahil sa pag-amin nito, nalinis ang pangalan ng tiyuhin naman ng biktima na una nang itinuring na primary suspect

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sumuko na sa pulisya ang 21-anyos na salarin na pumatay sa dalagitang 12-anyos sa Caloocan noong Enero lamang.

Kinilala itong si King Angelo Sese, at pinsan pa ng biktima.

PAY ATTENTION: 15 Signs That Show Your Love Will Withstand Anything

Matatandaang natagpuan ang wala ng buhay na si Myrrhaquel Singson sa kanilang bahay na naliligo sa sariling dugo at may gilit ang leeg na naibalita din ng KAMI.

Itinuring na primary suspect ang tiyuhin ng biktima na si Reynaldo Urbano dahil umano ito ay may duplicate ng susi sa bahay ng pamilya ng biktima.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa pag-amin ni Sese, nalinis ang pangalan ni Urbano.

Sa report ng ABS-CBN News, nakita pa sa CCTV ang pagpunta ng suspek sa bahay ng biktima at nang lumabas ito ay suot na ang jacket ng kaanak.

Inamin rin nito na ninakaw niya ang dalawang cellphone ng biktima.

Una raw kumuha ng kutsilyo ang biktima upang marahil ay protektahan ang sarili mula kay Sese. Doon na umano nag-abot ang dalawa na humantong sa pagpaty ng suspek kay Singson.

Aminado si Sese na gumamit siya ng droga noong panahong iyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI Humanmeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Women jeepney passengers join forces to help another commuter from being harassed

Women jeepney passengers join forces to help another commuter from being harassed

Women jeepney passengers join forces to help another commuter from being harassed
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel