84-anyos na lola, nangangalakal pa rin kahit nakukuba na

84-anyos na lola, nangangalakal pa rin kahit nakukuba na

-Sa kabila ng edad, hindi pa rin humihinto ang 84-anyos na lola na si Rosa Santos sa paghahanap-buhay

-Literal na nagkakanda-kuba na ito sa pangangalakal para lamang may maipang-tustos sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga apo

-Ngunit kahit na hirap, masaya naman raw si lola Rosa na natutulungan niya ang kanyang mga apo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang dokyumentaryo ni Jun Veneracion sa Reporter's Notebook, itinampok nito ang isang 84-anyos na si lola Rosa Santos, na literal na nakukuba na sa kakatrabaho may makain lamang ang pamilya.

Sa kabila ng kanyang edad, araw-araw pa rin nitong sinusuong ang init at delikadong kalsada para mangolekta ng kalakal.

Tulak-tulak ang lumang karito na idinikit lang din sa lumang bisekleta.

PAY ATTENTION: The 25 Wealthiest Families In The United States Revealed

Ayon sa programa, umaabot pa ng 3 km ang nilalakad ng matandang walang ibang pagkukunan ng ikabubuhay.

Ngunit sa kabila nito, masaya naman raw si lola Rosa dahil nakakatulong siya sa kanyang mga apo.

Pumanaw na kasi ang kanyang dalawang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa ilang oras niyang pangongolekta ng kalakal ay madalas na kikita lamang si lola Rosa ng maliit na halaga, na kung minsan pa raw ay hinahati niya para sa mga apo.

Dahil kabilang si lola Rosa sa mga informal sector, P500 lamang ang nakukuha nitong pension na kung minsan pa nga ay nalilimot pa nito ayon sa asawa ng kanyang apo.

Hindi rin ito sasapat para sa mga pangangailangan niya lalo pa at may mga kaanak siyang kung minsan ay tinutulungan niya rin.

Para sa katulad ni lola Rosa na nasa panahon na ng dapithapon ng kanyang buhay, nakalulungkot lang na patuloy nitong pinipilit ang hapo ng katawan para mabuhay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI Humanmeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel