Mga obra ng isang kasambahay na artist, umani ng papuri mula sa netizens

Mga obra ng isang kasambahay na artist, umani ng papuri mula sa netizens

- Nag-viral ang post tungkol sa mga paintings ng isang kasambahay sa Saudi Arabia

- Nagsimulang gumuhit si Roselyn Laude Tangarorang gamit lamang ang lapis at papel na kanyang ginugugol sa bakante niyang oras

- Laking pasalamat niya sa ibang artist na siyang nagturo at naging inspirasyon niya sa pagguhit at pagpinta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Never judge a book by its cover," ayon kay Roselyn Laude Tangarorang na isang OFW sa Saudi Arabia.

Di niya kinahihiyang kasambahay siya sa ibang bansa dahil nay angking galing naman siya sa pagguhit at pagpinta.

Sa post ni Roselyn, pinakita niya ang ilan sa kanyang mga obra na kanyang ginagawa tuwing bakanteng oras niya sa Saudi.

PAY ATTENTION: Meet Top 20 Wealthiest Families Of The World

Aminado siyang di madali ang buhay OFW lalo na pag tinatalo na siya ng lungkot at pagka-miss sa kanyang pamilya.

Kaya naman upang malibang, gumuguhit siya o nagpipinta.

Nagsimula lamang siya sa mga portraits gamit ang lapis at papel hanggang sa natuto na rin siyang magpinta sa tulong ng iba pang mga artist.

Nakilala lamang niya ang mga artist na ito sa Facebook ngunit ito na raw ang mga gumagabay sa kanya upang ipagpatuloy ang paggawa ng mga obra.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Laking pasalamat din ni Roselyn sa mga nagbibigay sa kanya ng mga idea kung ano ang maari niyang iguhit.

Dahil sa angking galing, umani ng papuri si Roselyn at ang karamihan ay naghahangad na mapag-ibayo pa nito ang talento at balang araw ay maibahagi rin sa iba.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wow ang lupit ang dami"
"wow..ang galing ang gaganda"
"Ang galing mo sis"
"Just wow idol... Keep it up, god always guide and protect you.. And you will be more amazing... Someday lahat ng mga ginagawa mo s ngyon ay pagpipilahan ng mga mamimili at taga hanga mo"
"Grabe Lahat maganda master lalo na ung sa anak mo ang ganda ng back ground, wow!"
"Salute ako sayu ma'am galing"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
"Wala na. It's over na," Tugon ni Yam Concepcion kung may ibang babae ang bf

"Wala na. It's over na," Tugon ni Yam Concepcion kung may ibang babae ang bf

"Wala na. It's over na," Tugon ni Yam Concepcion kung may ibang babae ang bf
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel