Netizens, nakidalamhati sa pagpanaw ng estudyanteng nagtapos ng may oxygen tank

Netizens, nakidalamhati sa pagpanaw ng estudyanteng nagtapos ng may oxygen tank

- Pumanaw na ang estudyante sa viral post na nagtapos na naka-wheelchair at may kabuntot na oxygen tank

- Limang taong nakipaglaban si Joemar Mangkok sa rheumatic heart disease at pumanaw nitong Miyerkules, Marso 27

- Dinagsa ang kanilang bahay kahit wala pa mismo ang bangkay ni Joemar at nakidalamhati rin ang mga netizens nang malaman ang nakakalungkot na balita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang araw lamang matapos niyang umakyat ng entablado nang naka-wheelchair at may oxygen tank para sa kanyang graduation, pumanaw na si Joemar Kenik Mangkok.

Sa unang balita ng KAMI, makikita ang masaya pang Joemar na tumanggap mismo ng kanyang diploma bilang pagtatapos niya ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Arts in Secondary Education, major in Mathematics sa Southern Mindanao Institute of Technology Inc. sa Datu Paglas, Maguindanao.

Ngunit apat na araw lamang mula nang pagpunta niya mismo sa pinakamahalagang araw ng kanyang pag-aaral, pumanaw na rin niya nitong Miyerkules, Marso 27.

PAY ATTENTION: Meet Top 20 Wealthiest Families Of The World

Mula nang mabalitaan ang pangyayaring ito kay Joemar, dinagsa na ng mga nakikiramay ang kanilang tahanan.

Kahapon, kahit nasa ospital na si Joemar, marami na rin daw tao sa kanilang tahanan na animo'y naghihintay sa kanya.

Matapos ang mismong graduation, agad na sinugod ito sa ospital at mula nang gabi na iyon noong Biyernes, Marso 22, na-coma na si Joemar hanggang sa binawian na siya ng buhay makalipas ang ilang araw.

Bilang pag-aalala sa pakikipaglaban na ito ni Joemar sa kanyang karamdaman, binahagi ng kanyang kapatid ang mga larawan nito nang araw ng kanyang pagtatapos.

Maging ang mga netizens ay nakidalamhati sa maagang pagkamatay ni Joemar. Magsisilbing inspirasyon na lamang daw ito sa marami na maging sa huling hininga niya, di siya nagpatalo sa kanyang karamdaman.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakalungkot. nakangiti pa siya noong graduation niya"
"Saludo ako sayo pero talagang sadyang kay bilis ng panahon di ntin alam kung kailan tyo kukunin ni lord"
"He made it. Thats what's important, nothing mattered 'cept that he finished the race and finished strong, it shows when he threw his fist in the air as he went on stage. We wish we could all shake your hand. Salute. Rest in paradise."
"Truly an inspiration to everyone,may you rest in peace... condolences to the bereaved family."
"Short but meaningful life... Rest in peace"
"I know you left this world happy. You are such an inspiration!"
"That smile got me.*tries not to cry then cries a alot*"
"Sayang na hindi...sana ma inspired naman at mahiya ung ibang students na nag rereklamo sa buhay-estudyante nila."
"kitang kita pa sa mukha nya ang kasiyahan nung naka graduate na sya, ok lng Noy at least nanjan ka na kay God.."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel