Estudyanteng nagtapos ng naka-wheelchair dahil sa sakit, pumanaw na

Estudyanteng nagtapos ng naka-wheelchair dahil sa sakit, pumanaw na

-Matapos mag-viral nito lamang nakaraang linggo, pumanaw na ang binatang si Joemark Mangkok dahil sa sakit sa puso

-Kwento pa ng isang kapatid nito, sinubukan pa niyang kumbinsihin ang kapatid na 'wag nang dumalo sa graduation

-Pangarap ng binata na maging isang guro sa isang pampublikong paaralan sa kanilang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumanaw na ang binatang si Joemark Mangkok matapos lamang mag-viral noong nakaraang linggo.

Si Joemark ay nakilala matapos kumalat ang kanyang larawan sa social media habang naka-wheelchair nang dumalo sa kanilang graduation.

PAY ATTENTION: 12 Times Celebs Flaunted Their Mindblowing Wealth on Instagram

Nagtapos ang binata ng kursong Bachelor of Secondary Education, major in Mathematics. At ayon pa sa ilang kaibigan nito ay pangarap na makapagturo sa isang pampublikong paaralan sa kanilang lugar sa Datu Paglas sa Maguindanao province.

Kwento pa ng isa sa mga kapatid nito na nasa London, sinubukan pa niyang pigilan ang kapatid na dumalo sa graduation ngunit nagpumilit pa rin ang binata, ayon sa ulat ng PhilStar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"He told me his diploma would be his gift to me for having paid for his monthly tuition," anito.

Ayon naman sa ilang mga kaklase nito, palaging sinasabi ni Joemark kung gaano ito nagpapasalamat sa mga kapatid sa pagpapaaral sa kanya.

Sa kasalukyan, puno ng pakikiramay ang Facebook account ng binata. Ilan sa mga netizens ang nagpakita ng paghanga sa binata.

Ipinanganak si Joemark noong December 14, 1992 at pumanaw dahil sa sakit na rheumatic heart disease.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI Humanmeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Comelec Commissioner Guanzon dares and airs strong words against Cardema

Comelec Commissioner Guanzon dares and airs strong words against Cardema

Comelec’s Guanzon dares and airs strong words against Cardema
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel