Selos sa ex, ugat ng pagpatay ng isang lalaki sa kanyang live-in partner

Selos sa ex, ugat ng pagpatay ng isang lalaki sa kanyang live-in partner

-Wala ng buhay nang matagpuan ang babaeng si Mary Ann Gonzales sa kanilang tinitirahan sa Pangasinan

-Ang suspek ay ang mismong kinakasama ng biktima

-Ayon sa ilang residente, narinig pa umano nila ang pagtatalo ng dalawa na nauwi sa pananakit ng suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala ng buhay nang datnan ang babaeng si Mary Ann Gonzales, 27-anyos, sa kanilang tinitirahan sa Calasiao sa bayan ng Pangasinan.

Ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA News, tadtad pa ng pasa ang katawan ng biktima nang makita ito.

PAY ATTENTION: Pointers To A Healthy Relationship We All Should Know About

Sabi din ng kaanak ng biktima, pinahirapan ng husto si Mary Ann dahil bali din ang mga braso nito at may mga tama pa sa ilang parte ng kanyang ulo.

Ang suspek sa brutal na pagkamatay nito, ang mismong kinakasama nito na si Arjen Pangilinan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa ulat, narinig umano ng ilang residente sa kanilang lugar ang pagtatalo ng dalawa na nauwi na nga sa pangbubugbog ng suspek sa biktima.

Ang ugat umano ng krimen, selos sa dating asawa ni Mary Ann.

Naaresto naman ang salarin na ngayon ay nakakulong na. Tumanggi na rin itong, magbigay ng pahayag ngunit ayon din sa ulat, lasing ito nang maganap ang krimen.

Nais naman ng ama ng biktima na magdusa ito sa kulungan dahil sa pagkitil sa buhay ni Mary Ann.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI Humanmeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, di magkamayaw sa latest viral pics at videos nina Sarah at Matteo sa socmed

Netizens, di magkamayaw sa latest viral pics at videos nina Sarah at Matteo sa socmed

Netizens, di magkamayaw sa latest viral pics at videos nina Sarah at Matteo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel