Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million

- Isang Math at Physics na guro sa Kenya ang nanalo ng $1 million mula sa Varkey Foundation Global Teacher Prize

- Marami ang na-inspire sa gurong si Peter Tabichi dahil sa pagbabahagi ng 80% ng kanyang sahod sa mga mahihirap

- Hirap man sa pakikipagsabayan sa teknolohiya ang lugar kung saan siya nagtuturo, nagagawan niya ito ng paraan gaya na lamang ng pagsali sa mga national at international competitions

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing nararapat lamang na parangalan ang gurong si Peter Tabichi ng Kenya dahil sa dedikasyon niya sa pagiging isang guro.

Si Peter ang nanalo ng isang milyong dolyar bilang gantimpala ng Varkey Foundation Global Teacher Prize nito lamang Linggo, Marso 24.

Isa lamang patunay na isa siyang huwarang guro dahil sa pagbibigay ng 80% ng kanyang sahod sa mahihirap.

Alam niya kasi ang dinaranas ng mga ito dahil sa ang tinuturuan niya ng Math at Physics ay mula sa rural Kenyan school sa Pwani Village kung saan isa lamang ang kompyuter at may napakabagal na internet na pwede nilang magamit.

PAY ATTENTION: Meet Top 20 Wealthiest Families Of The World

Bukod pa rito, halos nasa 60 ang kanyang estudyante kaya dagdag pa ito sa mga pagsubok niya bilang guro.

Ayon pa sa CNN, dumadayo pa ng paggamit ng internet ang guro sa mga cafe' para lamang mas updated ang kanyang mga estudyante sa dapat nilang matutunan.

Mentor din siya ng Science club ng kanilang paaralan at sumasali rin sila sa mga national at maging international competitions.

Katunayan, pasok sila sa INTEL International Science and Engineering Fair ngayong taon sa Arizona, USA.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang kanyang mga estudyanteng tinuturuan ay nakatanggap din ng award mula Royal Society of Chemistry matapos gumamit ng halaman mula sa kanilang lugar bilang pinagkukunan ng elektrisidad..

Maraming pagsubok ang naranasan ni Peter bilang guro. Bilang nasa rural na bahagi sila ng Kenya, nandun na maranasan nila ang kakulangan sa pagkain, marami rin daw doon ang maagang nabubunts o maagang nag-aasawa at siyempre ang sakit na ng lipunan, ang droga.

Dahil dito, di nagdalawang isip ang guro na ibahagi maging ang kanyang sahod sa mga naghihirap niyang kababayan.

Tila bumalik sa kanya ang lahat ng biyaya nang matanggap niya ang cash prize na $1 million o nasa ₱52 million.

Ginanap ang seremonya sa Dubai, United Arab Emirates kung saan ang sikat na Hollywood actor na si Hugh Jackman ang host at siyang nag-abot ng premyo kay Peter.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Captain Marvel reveals, she first worked in the much-awaited Endgame

Brie Larson, admits she first worked in Avengers: End game before Captain Marvel

Captain Marvel reveals, she first worked in the much-awaited Endgame
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel