Lantarang pangunguha ng bata sa restaurant, sapul sa CCTV

Lantarang pangunguha ng bata sa restaurant, sapul sa CCTV

- Sapul sa CCTV ang garapalang pangunguha ng bata sa isang restaurant

- Nakuha pa umanong hagkan at yapusin at tipong pinanggigilan pa ng kidnapper ang bata bago niya ito tuluyang itakbo

- Nahabol naman ng mga kasama ng bata ang babae, ngunit di na nakita sa sa CCTV kung nasagip pa ang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakaaalarma ang video na binahagi ng netizen na si Marcelo Santos kung saan makikita kung paanong garapalang na-kidnap ang isang bata sa restaurant.

Sa umpisa ng video, kaswal na pumasok ang suspek at may binati pa nababaeng nasa loob na ng restaurant.

Di nagtagal, nilapitan na niya ang prospect na bata na kasama pa nga ang pamilya nito.

Maya maya pa'y kinarga na nito ang bata at nakuha pa niyang halikan at yapusin.

PAY ATTENTION: Forbes Top 10 Wealthiest Celebrities In 2018

Mapapansing napatayo ang babaeng ina marahil ng bata na tila ba'y nakaramdam na iba ang pakay ng babae sa pagkarga sa bata.

Bigla na lamang itinakbo na ng babae ang bata lalo pa at malapit ang pamilya nito sa pinto.

Nahabol ng lalaki na marahil ay ama ng bata ang kidnapper at sumunod din ang ina nitong napasama na sa sasakyang pinagdalhan sa bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nahablot ng lalaki ang kidnapper na natumba habang ang ina ay tila nakaladkad sa pinaandar na sasakyan.

Di na nakita pa sa CCTV kung ano na ang sumunod na naganap sa kidnapping.

Maging babala ito sa mga magulang na may mga kasamang bata. Gaya na lamang ng pangyayaring ito na naganap sa pampublikong lugar.

Pumalo na sa 15 million views ang viral video.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens bash Coco Martin over rumored 'panganganak' of Julia Montes

Netizens bash Coco Martin over rumored 'panganganak' of Julia Montes

Netizens bash Coco Martin over rumored 'panganganak' of Julia Montes
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel