Nanay ng Grade 1 student na pinahiya umano ng principal dahil sa 3k, humingi na ng tulong kay Idol Raffy

Nanay ng Grade 1 student na pinahiya umano ng principal dahil sa 3k, humingi na ng tulong kay Idol Raffy

- Nag-viral ang kuwento ng isang Grade 1 student na pinagsulat ng promissory note ng principal dahil sa utang nilang 3k

- Humingi na ng tulong kay Idol Raffy ang nanay ng bata

- Umani ito ng samu't-saring reaksyon mula sa netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog na sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' ang nanay ng Grade 1 student matapos mag-viral sa Facebook ng nangyari sa kanyang anak.

Base sa naunang report, pinagsulat daw ng promissory note ang bata dahil may utang pa sa paaralan na 3k at mayroon silang patakaran na 'no permit, no exam.'

Nalaman ng KAMI na kinausap ni Idol Raffy si Maria Teresa Namoro, Asst. School Division Superintendent ng DEPED Quezon City, para kumonsulta sa isyu.

PAY ATTENTION: Power Couples Who Are Still Adored By The Public Decades After

Ayon kay Maria Teresa, mali ang ginawa ng paaralan na pinagawa ang bata ng promissory note dahil ang contract ay namamagitan lang dapat sa mga magulang at paaralan.

Ayon naman sa panayam kay Ronette Vicente, secretary ng Principal, bukod sa pinag-exam naman nila ang bata ay hindi totoong naalis ito sa list of awardees.

Ikinuwento rin ng nanay na nagpunta sa bahay nila ang principal at nagdala ng cake, chicken, at iba pang pagkain. Pero hinahanap din daw nito ang promissory note na ginawa ng anak niya.

PAY ATTENTION: The 25 Wealthiest Families In The United States Revealed

Narito naman ang mga naging reaksyon at komento ng netizens sa video.

"Before kayo nag enroll sa school alam niyo rin nman ang mga polisiya ng school. Kung nsa policy nila yon dpat expected mo na rin talaga na no payment no exam. At kung alam mo nman na d kau nkabayad dpat nagpunta yong nanay sa school before exam at siya yong nakiusap."
"Mukhang kuwarta ang Principal na iyan, tapos sya pa mismo ang nangbubully sa mga bata. Tangalin iyan."
"Mam tama yan ginawa mo at tama yang lumapit ka sir Tulfo, kapag nasa katwiran ipaglaban mo"
"Maling mali yung ginawa ng teacher. Pero may mali din yung parent mag re recognition na di pa nkakabayad ng tuition, mag public na lng kasi huwag pa sosyal na magpa private kung wala nmn pngbayad."
"Bilib talaga ko kay idol raffy kahit na mayaman hindi niya nilalang ang pera kasi may ibang tao tuwang tuwa na pag may perang ganyan"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, nanggagalaiti sa galit ang isang misis na humingi ng tulong sa 'Raffy Tulfo in Action.' Inireklamo niya ang kanyang mister dahil sa ginawang pagtataksil umano sa kanya. Pati si Idol Raffy ay muntik ng madamay sa galit ni misis.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features the 'Dugtungan' challenge which shows a funny battle between the players' wits and creativity! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Vhong Navarro, trending ang ginawa kay Anne Curtis sa It's Showtime BTS sa online world

Vhong Navarro, trending ang ginawa kay Anne Curtis sa It's Showtime BTS sa online world

Vhong Navarro, trending ang ginawa kay Anne Curtis sa It's Showtime BTS
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel