Manila Water, magbabawas at sa iba'y wala nang sisingilin para sa bill ngayong buwan

Manila Water, magbabawas at sa iba'y wala nang sisingilin para sa bill ngayong buwan

- Wala nang babayaran sa Manila water ang mga labis na naapektuhan ng kawalan ng tubig sa buwang ito

- Ang ilan namang apektado rin ay mababago ang kwenta ng pagsingil at mababawasan kaysa sa kadalasan nilang binabayaran

- Makikita ang adjustment na ito sa bill ng Marso na matatanggap ngayong Abril

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa 6 million na customer ng Manila Water ang mababawasan ang bill ngayong buwan ng Marso.

Ito ay dahil sa naganap na matinding kawalan ng tubig na dinanas ngayong buwan ng Marso.

Ayon sa Manila Bulletin, may ilang customers din na wala nang babayaran sa buwan na ito dahil sa labis na abala na naidulot ng water interruption sa kanilang lugar. Ito ay ang mga lugar na halos di na nagkaroon ng supply ng tubig na umabot ng ilang araw.

Sa sinagawang press briefing ng Manila Water President and Chief Executive Officer Ferdinand Dela Cruz, magsasagawa sila ng tinatawag na one-time voluntary bill waiver sa kanilang mga naabalang customers.

PAY ATTENTION: 12 Times Celebs Flaunted Their Mindblowing Wealth on Instagram

Para sa bill na darating ngayong Abril, di na kailangang bayaran ang unang 10 cubic meters (cu.m) na konsumo ng kanilang customers.

Ito ay maging sa kabahayan, komersyo o industrial na mga kumukonsumo.

Halimbawa, ang typical na konsumo kasi ng customer ay nasa 30 cubic meter na may katumbas na singil na ₱600. Lumalabas na kung ibabawas ang 10 cu.m dito, nasa ₱400 na lang ang babayaran ng customer.

Para naman sa mga nasa lugar kung saan umabot ng nasa isang linggo ang dinanas nilang kawalan talaga ng tubig sa kanila, wala silang babayaran ni isang kusing.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa ngayon, bina-validate pa nila ang mga impormasyon upang maging basehan ng singil nila para sa buwan ng Marso, at maglalabas sila ng listahan ng mga barangay at karampatang singilan sa mga ito.

Sakop ng Manila Water ang 23 na lungsod at munisipalidad sa Metro Manila at Rizal. Kabilang na rito ang Mandaluyong, Makati, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina, at ilang bahagi ng Quezon City at Manila.Gayundin ang mga bayan ng Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jalajala, Morong, Pililia, Rodriguez, Tanay, Taytay, Teresa, San Mateo at Antipolo sa probinsya ng Rizal.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel