Larawan ng mag-amang walang sapatos sa graduation ng anak, nag-viral

Larawan ng mag-amang walang sapatos sa graduation ng anak, nag-viral

- Natunaw ang puso ng mga netizens sa larawan ng mag-amang walang sapin sa paa na dumalo sa moving-up day ng kanyang anak na babae

- Tunay na "Superman" man daw ang ama na kahit na naka-t-shirt lamang at shorts, sinamahan pa rin ang kanyang anak na mag-martsa

- Umani ito ng papuri sa mga netizens at nararapat lamang daw na maging inspirasyon ito sa marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang bumilib sa kumakalat ngayong larawan ng di umano'y mag-ama na wala mang sapin ang mga paa ay nagmartsa pa rin sa moving-up day ng anak.

Sa post na binahagi ng Facebook page na Share mo Lang, makikita ang amang hawak ang anak na naglalakad kahit wala sila parehong sapatos para sa isa sa mahalagang pangyayari sa buhay mag-aaral ng bata.

Napansin din ng mga netizen ang t-shirt na suot ng ama na "Superman" na para sa kanila ay nararapat lamang na isuot nito dahil isa siyang "superman" sa buhay ng bata.

Bagama't di nabanggit sa post kung miyembro ng anumang katutubong grupo ang mag-ama dahil sa di nila pagsusuot ng sapin, tunay na kahanga-hanga pa rin ang mga ito dahil sa di nila kinahiya kung anuman ang kanilang estado sa buhay.

PAY ATTENTION: Celebrities Who Won't Do Nude Scenes

Ang ilan pa nga sa mga netizens ay di raw napigilang maluha nang makita ang viral na larawan.

Umabot na sa 53,000 na reaksyon ang post, 2,700 na komento at 50, 400 na pagbabahagi.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Real king doesn’t wear cape and crown. It’s him who wears Superman shirt and holding his Princess.. Congrats to our great King and little Princess."
"I salute him. You don't need fancy things to walk your child for graduation society standards are toxic. The most important thing is his presence no matter what it takes. His there for her."
"The true Superman. nakaka-proud makita si Tatay. parang si papa lang, proud na proud ako. Pandesal sa umaga, ice cream sa tanghali at balot sa gabi. Ngayon dalawa na kami graduate ng college at nagtatrabaho na, kami naman nagbabalik sa kanya.Kaya proud din ako sayo tatay, nakakabilib ka. Wala ng mas gaganda pa sa picture na to"
"Poverty is not a hindrance when it comes to education. Lucky are those who have nothing but they have faith, hope and perseverance to fight all trials of life just to reach , touch and to hold on to what they dreamt of. Congratulations to this proud father, the superman of this lovely girl, I salute you sir."
"Etong mga ganito dapat binibigyan ng pansin.. Hndi ung mga walang kwentang mga pa feymus kuno... Pag maganda nagtinda ng sampaguita..ayun natulungan na.. Dun nman natin ilagay mata ntin sa tamang dapat tulungan.."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel