Mag-inang piloto sa isang flight, hinangaan ng kanilang mga pasahero

Mag-inang piloto sa isang flight, hinangaan ng kanilang mga pasahero

- Pinagkaguluhan ang flight mula sa Angeles papuntang Atlanta dahil sa mag-inang piloto nito

- Na-inspire ang mga sakay ng eroplano na magkasamang pinaandar ng mag-inang ito

- Piloto pa rin ang isa pang anak ni Capt. Wendy Rexon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang larawan ng mag-inang piloto na sina Capt. Wendy at First Officer Kelly Rexon. Ito ay matapos matuklasan ng kanilang mga pasahero na mag-ina ang pilot at co-pilot nito.

Ayon sa Inquirer.net, sa flight noong Marso 17 mula Los Angeles hanggang Atlanta, nakiusap daw ang isang ina na pasilipin sa cabin ang dalawang anak niya.

Dito pinakilala ang dalawa bilang mag-ina. Narinig ito ng ilang pasahero kaya naman humingi na rin sila ng pahintulot na makita ang piloto nilang mag-ina.

PAY ATTENTION: Forbes Top 10 Wealthiest Celebrities In 2018

Isa na rito si Dr. John R. Watret. Kinunan niya ng larawan ang mag-ina at binahagi niya kung gaano siya humahanga sa propesyon ng nanay at anak nito.

“Just flew from LAX to ATL on Delta piloted by this mother daughter flight crew. Great flight. Inspiring for [young] women.” pahayag ng doktor.

Di niya napigilan ang sarili na sabihing tunay na nakaka-inspire ang mga ito dahil ang pinaka-mahusay na magiging guro ng isang anak ay ang kanyang magulang.

May isa pa raw anak na babae si Wendy at isa rin daw itong piloto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tunay na nakakabilib ang mag-ina na dapat lang naman talagang pamarisan ng ilan lalo na ng mga kababihan.

Maswerte rin naman si Kelly dahil sa nakasama niya ang ina na siyang mentor niya sa pagiging matagumpay sa kanyang napiling propesyon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel