Paggalaw ng kusa ng mga bagay sa isang bahay sa Quezon, nakunan ng CCTV

Paggalaw ng kusa ng mga bagay sa isang bahay sa Quezon, nakunan ng CCTV

- Isang bahay sa Lucena city, Quezon province ang nababalot umano ng misteryo dahil sa mga nakatira raw na mga elemento rito

- Nakunan ng CCTV ang kusang paggalaw ng mga gamit sa bahay

- Ang mga nakatira rito ay nagbahagi ng iba't ibang karanasan nila sa naturang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ni Sofia Dator-Argana ang mga kababalaghang nangyayari sa kanilang tahanan sa Lucena city.

Ayon sa GMA news, bata pa lamang si Sofia nang magsimula na siyang makaramdam ng kakaiba sa lumang bahay nila sa probinsya.

Ang pinakamalala pa nga ay nang magising siya isang madaling araw at tila ba ay sinasakal siya ng taong matangkad at balingkinitan ang katawan.

Mula noon, nagpasya nang umalis si Sofia. Nang magkaroon siya ng sariling pamilya, napag-isipan nilang ipa-renovate ang bahay naman ng kanilang lolo at lola.

PAY ATTENTION: 12 Times Meghan Markle Went Against Royal Rules

Maski raw doon ay nakakaramdam siya ng mga kakaibang bagay na di naman niya nakikita.

Mas lalong tumindi ang misteryo ng mga kabablaghan sa bahay nila nang dumating ang kasambahay nilang si Jen.

Parang may kasama raw umano itong mga elemento na sinundan siya sa bahay ng amo.

Kwento naman ni Jen, nang ipanganak daw siya ay may kasabay siyang pinanganak din daw na duwende.

Sinasabing ito ang kasa-kasama rin niya saan man siya magpunta.

Ngunit ang mas nakapangingilabot dito ay ang mga kuha sa CCTV. Naroong maging static ang mga kuha tuwing dadaan si Jen o saanman magpunta si Jen.

Nang minsang maghuhugas sana ng plato si Jen, bigla na lamang nahulog ang tiles ng lababo kahit wala naman umanong gumagalaw dito. Kapansin pansin nga lang ang pusa na nakatingin na sa tiles bago pa ito mahulog.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At ang pinaka-grabe ay ang kusang pagkabasag ng bubog ng center table nina Sofia.

Walang tao sa kanilang sala at walang mabigay na gamit na nakapatong rito pwera na lamang ang centerpiece na nakapatong dito.

Dito mas lalong natakot na si Sofia sa mga nangyayari sa kanilang bahay.

Kaya naman nagpatulong na siya sa mga paranormal experts at maging sa physicist.

Sinasabing maaring poltergeist na ang nasa bahay nina Sofia kung saan ang uri kasi ng elementong ito ay nakakapagpagalaw na ng bagay at nakakapanakit na rin.

Samantala, pinaliwanag din ng physicist na maaring di maayos ang pagkakagawa partikular na ang pagkakadikit ng tiles.

Pagdating naman sa center table, maaring may mga microscopic na lamat na ito na di natin basta nakikita. Dahil dito, bumigay na ito kaya kusang nabasag.

At upang matahimik na sina Sofia at maging ang mga elemento dito, pinabendisyunan na niya ito sa isang pastor.

Naging panatag naman na raw ang kalooban ng pamilya ni Sofia sa nangyari at sasamahan na lamang nila ito ng dasal upang patuloy nang maging payapa ang kanilang tahanan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel