Binatilyong halos gulay na matapos ang aksidente, himalang nakapagsalita at nakalakad muli

Binatilyong halos gulay na matapos ang aksidente, himalang nakapagsalita at nakalakad muli

- Isang binatilyo ang sinabihan na ng doktor na di na muling makakalakad at makakapagsalita matapos itong maaksidente, halos dalawang taon na ang nakalipas

- Laking gulat ng kanyang mga magulang nang makitang unti-unti nang nakakalakad mag-isa ang binatilyo at unti-unti na rin itong nakakapagsalita

- Naniniwala ang kanyang pamilya na isang malaking milagro ang nangyari sa binatilyo na baldado na mula sa matinding aksidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang teenager sa South Carolina USA ang himalang nakalakad at nakakapagsalita na matapos magtamo ng traumatic brain injury mula sa isang matinding aksidente na nangyari sa kanya noong 2017.

Ayon sa westernjournal, tinapat na umano ang binatilyong si Jackson Gannon ng mga doktor na maaring maging baldado na siya habang buhay.

Maliit na rin daw ang tyansa na makapagsalita pa siya dahil sa tindi ng pinsala sa kanyang utak mula sa aksidente niya sa sasakyan.

PAY ATTENTION: The Amazing Cast Of Game Of Thrones In Then And Now (PHOTOS)

Kung tutuusin, pangalawang buhay na ito ni Jackson dahil sa maliit na rin ang tyansa niya noon na mabuhay pa.

Nalaman ng KAMI na matapos ang halos dalawang taon, tila isang milagro ang nangyari kay Jackson.

Unti-unti na itong nakakalakad mag-isa. Di lang iyon, nakamamanghang dahan dahan na rin itong nakakapagsalitang muli.

Malaking bagay din kasi na di siya pinabayaan ng kanyang pamilya. Suportado nila si Jackson at matindi ang pananampalataya nilang maibabalik nito ang dati niyang sigla.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi rin daw bumitaw ang ina ni Jackson na si Stasea Morris sa panalangin sa Panginoon at tila dininig nito ang kanyang mga dasal.

Nag-viral ang mga video ni Jackson na nagpapatunay ng kanyang tuluyang paggaling.Patunay lamang daw na wala talagang imposible lalo na sa taong buo ang loob sa pagharap sa mga hamon ng buhay siyempre kasama na rin ang pagggabay ng kanyang Panginoon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Marian Rivera, pinuna ng netizens matapos makita ang pinakain kay baby Ziggy

Marian Rivera, pinuna ng netizens matapos makita ang pinakain kay baby Ziggy

Marian Rivera, pinuna ng netizens matapos makita ang pinakain kay baby Ziggy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel