Pagsugod at pananaksak sa pari habang ito'y nagmimisa, sapul sa live-stream

Pagsugod at pananaksak sa pari habang ito'y nagmimisa, sapul sa live-stream

- Sinugod at pinagsasaksak ang isang pari sa Montreal, Canada habang ito ay nagmimisa

- Dahil sa naka-live streaming ang misa, kitang kita ang buong pangyayari

- Nagtamo ng ilang sugat ang pari na naniniwalang prinotektahan siya ng patron ng simbahan na si St. Joseph

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang pari ang nagtamo ng sugat mula sa pananaksak ng isang lalaki habang siya ay nagmimisa noong Biyernes sa St. Joseph’s Oratory sa Montreal, Canada.

Binahagi ng Yahoo Philippines ang video ng pag-atake sa paring nakilalang si Rev. Claude Grou habang ito ay nagmimisa.

Kitang kita sa video kung paanong bigla na lamang sinugod si Rev. Grou ng isang lalaki na mayroon pa lang dalang patalim.

Nang matumba ang pari, agad namang nilapitan ng ilang mga nagsisimba ang suspek upang tigilan na ito sa pag-atake sa 77 anyos na pari.

PAY ATTENTION: 15 Rare But Remarkable Images Of The Royal Family

Labis na kinagulat ito ng mga nagsisimba lalo pa at naka-live streaming pa ang naturang misa. Maririnig ang kanilang mga sigawan, sa labis na takot at pagkataranta sa insidenteng naganap habang sila ay nagsisimba.

Kwento ni Adele Plamondon, isang volunteer sa simbahan, napansin na niya na papalapit sa altar ang 26 anyos na suspek ngunit di niya inisip na ito ay may masamang gagawin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit nang makita niyang may patalim ito lalo na nang sugurin nito ang pari, agad siyang tumakbo sa security ng simbahan upang himingi ng tulong.

Agad din namang nadala napagamot ang pari na bahagya lamang nasugatan. Naniniwala rin kasi ang mga nanampalataya na prinotektahan si Rev. Grou ng patron ng simbahan na si St. Joseph.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na maaring sampahan ng assault at attempted murder.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel