Nakakabahala! Dahil sa sobrang init, 1 bata ang na-heatstroke

Nakakabahala! Dahil sa sobrang init, 1 bata ang na-heatstroke

-Labis na takot ang naramdaman ng ginang na si Jennifer Abma nang hindi niya magising ang anak na si Anastacia

-Ayon sa kwento ng ginang, umidlip lamang sa kanyang kwarto ang anak ngunit nang i-check niya ito ay 'di na ito magising

-Napag-alamang na-heatstroke pala ang bata dahil sa sobrang init sa kwarto nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinabahala ng isang misis na si Jennifer Abma ang isang insidente kung saan nahirapan siyang gisingin ang anak na si Anastacia na napag-alamang na-heatstroke pala!

Ayon sa kwento ng ginang mula sa isang artikulo ng The Asianparent, umidlip ang kanyang anak sa kwarto nito tulad ng nakagawian nito.

PAY ATTENTION: 15 Traits That Meghan Markle Has In Common With Princess Diana

Nang i-check niya ito ay pawis na pawis ang bata at namumula ang buong mukha nito!

Nang hipuin niya raw ito ay sobrang init din ng katawan ng anak.

Sinubukan niya itong gisingin ngunit nang hindi ito magising ay agad na siyang tumawag ng tulong.

Ayon pa sa Facebook post ni Jennifer, umabot pa ng 20 minuto bago nila nagising ang anak nang dumating ang ambulansiya.

Ibinahagi rin nito ang isang larawan kung saan ipinakita niya ang kanyang anak na si Anastacia.

Nakakabahala! Dahil sa sobrang init 1 bata ang na-heatstroke

Photo source: Screengrab from The Asianparent
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagamat alam niyang wala siyang kasalanan ay hindi raw niya maiwasang sisihin ang sarili sa muntik nang pagkapahamak ng kanyang anak.

Nagbigay pa ng babala si Jennifer para sa iba na siguruhing ligtas ang bawat kwarto sa mga tahanan.

Hindi raw nito ma-imagine kung nahuli siya ng dating o kung hindi niya tinignan ang anak.

Isa sa posibleng dahilan nito ay ang hindi maayos na bentilasyon sa kwarto na maaaring mag-resulta sa heatstroke katulad ng nangyari kay Anastacia.

Maaari rin itong maging dahilan ng Sudden Infant Death Syndrome (SIDS) sa mga sanggol.

Kaya naman siguruhin natin na may maayos na bentilasyon ang mga kwarto sa ating mga bahay.

Hindi ibig sabihin na nasa loob lang ng bahay ang ating mga anak ay ligtas na ito mula sa kapahamakan.

Nakakabahala! Dahil sa sobrang init 1 bata ang na-heatstroke

Photo source: Screengrab from The Asianparent
Source: Facebook

Nakakabahala! Dahil sa sobrang init 1 bata ang na-heatstroke

Photo source: Screengrab from The Asianparent
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filters'

Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filters'

Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filter'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel