41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura

41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura

-Agad na nakilala ang isang babae matapos itong magbigay ng mensahe sa kapatid na artista

-Ito ay dahil sa kanyang itsura na mapagkakamalang 20-anyos lamang kahit pa nga lagpas 40-anyos na ito

-Ibinahagi naman nito ang skin care routine nito para mapanatili ang batang-batang itsura

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami talaga ang nagulat nang malamang ang babaeng si Lure Hsu na mukhang 20-anyos lang ay lagpas 40-anyos na pala.

Nadiskubre ito nang minsang magbigay ito ng mensahe para sa kapatid, na isang artista sa kanilang bansa, sa isang television show.

PAY ATTENTION: Pinoy Celebrities Whose Relationships Are Not So Well-Known

Hindi umano makapaniwala ang mga nakapanood nang sabihin nito ang totoong edad.

Dahil doon, umani ng maraming followers sa kanyang Instagram account ang 41-anyos na interior designer.

Samantala, sa isang artikulo ng The Asianparent, ibinahagi ni Lure Hsu ang kanyang skin care routine upang mapanatili ang batang-batang itsura.

Anito, importante na palaging ma-mositurize ang mukha at katawan kung kaya naman ipinayo nito na palaging gumamit ng moisturizer dahil malaking tulong ito para mapigilan ang mga sign of aging katulad ng mga fine lines.

Iwasan rin daw ang ma-expose ng matagal sa araw at kung hindi niya maiiwasan ay gumagamit siya ng sun block.

Black coffee rin ang kanyang iniinom tuwing umaga dahil nakakatulong raw ito na mapaganda ang balat ng tao.

Maging ang pag-inom ng maraming tubig ay ipinayo rin niya at iwasan ang matatamis na inumin.

Iniiwasan rin daw nito ang pagkain ng mga mamantikang pagkain at sa halip ay mga pagkaing mayaman sa fiber at bitamina ang kinakain nito katulad ng gulay at mga prutas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mahalaga rin daw ang exercise upang mapanatiling malusog ang pangangatawan.

Umiinom rin siya ng mga supplements katulad ng vitamin C at collagen pills.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizen shares 'product mispricing' from a local supermarket to raise awareness

Netizen shares 'product mispricing' from popular local supermarket to raise awareness

Netizen shares 'product mispricing' from a local supermarket to raise awareness
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel