Ate, nagtiis ng pambugbog at pamamahiya, ngayon di na magkakaanak dahil umano sa lalakeng pinagsilbihan

Ate, nagtiis ng pambugbog at pamamahiya, ngayon di na magkakaanak dahil umano sa lalakeng pinagsilbihan

- Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang masaklap na karanasan sa kamay ng nobyo

- Sa ilang taong nagsama sila, ilang beses namaga ang mukha niya't dumugo ang ilong, buong katawan bugbog-sarado pero tiniis niya dahil mahal niya

- Pero umabot siya sa puntong di na niya kaya, lalung-lalo na nang nawalan na siya ng kakayahang magka-anak dahil sa lalakeng minahal niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen, Camille Mendoza, ay naglabas ng lahat ng sama ng loob niya sa kinakasamang si Jay Barachina dahil umano sa pambubugbog at pamamahiya.

Batay sa post ni Camille, nalaman ng KAMI na lima o sampung beses siya umano minagaan ng mukha at pinadugo ang ilong ng lalakeng si Jay.

Sabi niya pinapatawad daw niya dahil mahal niya pero bukod sa pambubugbog, pinapahiya daw siya ni Jay sa harap ng mga barkada ng huli at tinatawag na pokpok.

PAY ATTENTION: Beyoncé, Taylor Swift, and Other Celebrities Who Have Crashed Normal People's Weddings

Kuwento pa ni Camille, tatlong buwan daw siya nagtrabaho sa casino, sumahod at nagsugal at nanalo ng P290K.

Pero paggising niya, wala na raw ang pera dahil tinangay na umano ni Jay at ibinili ng kotse.

Ilang beses din daw siyang pumasok na may mga pasa sa katawan pero kaya raw niyang tiisin ang pananakit at pamamahiya.

Ang di niya mapapatawad kay Jay ay nang malaman niyang, di na siya magkakaanak dahil sa lalake.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Basahin ang buong kuwento ni Camille:

"2017-2019 ilang beses akong nabugbug nasaktan at nagtiis ng hirap sa lalaking mali alam ng tita mong tumutulong sayo at mga kakilala ko hindi lang lima o sampung beses mo ko minagaan ng muka pinadugo ang ilong ilang peklat lagi kong tinitiis pero pinapatawad pa rin kita dahil sa paniniwalang may pag babago pa sa puso mo pero kahit ikaw nanloko ikaw ang mali ako ang nagalit at nasaktan ako pa rin namamagaan ng muka! Ang swerte ng ibang tao sayo bait na bait sila sayo pero di nila alam lahat sinukuan ka na ako na lang nasa tabi mong naniniwalang mabuti kang tao pero anong ginawa mo sakin. Pasalamat na lang akong nangyari to kasi nasagad na ko at eto na yung alam kong di mo na ko mabibilog.
Yung sinisigaw mo kanina sa harap ng barkada mo sa harap ng maraming tao na POKPOK ako? Kung nakaka lalaki ang ipon ko sayo alam mo gaano ako naghirap! Yang kotse na pinakinabangan mo na galing sa kapokpokan? Ayoko ma magsalita ng masakit sayo alam mo lahat ng totoo. Yung mga ugali mo sakin mo pinasa dahil ayaw mong magkamali ka pero sa totoo lang sa lahat ng naranasan mo binulag ka na ng pera!
3buwan pa lang ako nagtatrabaho sa casino na tutuusin nagtatrabaho ako dahil lang sayo! Sumahod ako nag sugal ako dumating pa nga sa puntong sayo ako nahingi allowance dahil na wala n ko ma withdraw na tinago ko pa sayo isang beses umuwi ako na nanalo 290k natulog lang ako pag gising ko wala ka na dinala mo pa pera nabili ka na ng kotse na napakinabanagan mo na galing kamo sa kapokpokan ko? Naalala mo tinawagan pa kita sabo ko balik ka iwanan mo naman ako 150k kasi ilalagay ko sa bangko yan gagamitin ko. Ngayon ako pa rin ba ang pokpok? San mo ko hinated mismong casino sinasama pa kta minsan ikaw p pinapalit ko ng chips para sa pera.
Dibale ng wala kang respeto sakin alam nating dalawa pilit kong tinago sa lahat ng kilala mo dahil alam nilang mabait ka pero ako naisip mo ba gano kita pinagtatanggol sa mga nakikita sakin? Napasok ng may pasa sa mata bugbug katawan. Alam mo gaano kita pinagsilbihan sa lahat nang panloloko at bugbug wala kong hindi magandang ibinawi sayo. Pilit kitang nilalaban sa pamilya ko para maging ayos ka na sa kanila pero anong ginagawa mo? Ang haba ng taon na nasa tabi mo ko para buoin ka pero anong ginawa mo sinira mo pagkatao ko dahil sa nakaraan mo. Pwede mo kong sabihan ng masasakit at bugbugin pero hinding hindi na kita kaya patawarin dahil sayo hindi na ko magkaka anak jay! Sinira mo buhay ko Kusa na lang ako naiiyak ng ilang araw sinubukan ko mag open sayo pero sarado ang utak mo at hindi na kita kaya tignan demonyo na nakikita ko sayo. Sana linisin ng diyos yang puso mo jay! Sa sobrang pagmamahal ko sayo yun din naging rason para kayan kayanin mo at mawalan ka ng respeto sakin na nagturo sakin na maging matibay ngayon. Tapos na ko sayo jay ibalik mo na lang yung dapat mong ibalik walang naging sayo o hati man sa atin. Maging masaya ka sa pamamahiya mo Wala ka pa rin pinagbago sinungaling at magaling ka pa rin mag panggap!
MAAARING NASIRA MO BUHAY KO PERO HINDI MATATAPOS ANG BUHAY KO SA LALAKING MISERABLE ANG BUHAY! ILANG BABAE MAN KAYAN KAYANIN MONG GAWING MISERABLE PARA LANG MARAMDAMAN MONG TAO KA KAHIT KELAN DI KA MAGIGING MASAYA! WALA PA SA MGA PICTURE NA YAN YUNG NA UNANG BESES KANG MUNTIK MAKULONG DAHIL BASAG NA BASAG ANG KANANG MUKA KO SAYO. HINDI MAN NA KO MAG KAKAANAK SANA LAHAT NG SAKIT NA TO PAGDUSAHAN MO"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Want to know the "Firsts" of LizQuen. Liza and Enrique play the "Firsts" game. Watch it here.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel