Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

-Nadiskubre ng mga awtoridad ang isang bangkay ng babae sa loob ng vicinity ng isang low-rise condominium building sa Cebu City

-Naghinala na ang mga tauhan ng ng condominium matapos umalingasaw ang amoy nito

-Suspek sa pagkamatay ng babae ang live-in partner nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marso 23 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang Mabolo Police mula sa mga tauhan ng isang low-rise condominium building sa Cebu City.

Ayon kay Chief Inspector Dindo Juanito Alaras, naghinala na umano ang mga tauhan ng condo building dahil sa masangsang na amoy na nagmumula mula sa bunkhouse ng mga trabahador dito.

PAY ATTENTION: The Amazing Cast Of Game Of Thrones In Then And Now (PHOTOS)

Agad na rumisponde ang mga awtoridad sa lugar at doon nadiskubre ang bangkay ng isang babae na nakabalot ng kumot at inilibing sa loob ng bunkhouse, ayon sa ulat ng Cebu Daily News.

Kinilala ang biktima na si Josephine Ortega, 38-anyos.

Sa pagiimbestiga ng mga pulis, itinuro sila sa live-in partner ng biktima na si Crisanto Martinez, 35-anyos.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagamat itinanggi nitong may kinalaman siya pagkamatay ni Ortega, sinabi naman nitong nagpakamatay umano ito.

At dahil sa takot na mapagbintangan ay inilibing niya ito sa bunkhouse ng condo building kung saan ito nagta-trabaho bilang trabahador.

Ngunit kinalaunan ay lumabas rin na ito ang suspek sa pagkamatay ng biktima dahil umano sa selos.

May nakuhang impormasyon umano ang mga pulis na nag-away ang dalawa, dahilan para mapatay ng suspek ang biktima, isang linggo ang nakaraan bago natagpuan ang bangkay.

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Photo source: Cebu Daily News
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Coco Martin, di nakapagtimpi, may sinabihang 'shut up' sa IG

Coco Martin, di nakapagtimpi, may sinabihang 'shut up' sa IG

Coco Martin, di nakapagtimpi, may sinabihang 'shut up' sa IG
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel