Dalagang ga-graduate, may nakakaiyak na mensahe sa pumanaw na mga magulang

Dalagang ga-graduate, may nakakaiyak na mensahe sa pumanaw na mga magulang

-Puno ng damdamin ang mga salitang ibinahagi ng isang magtatapos na dalaga para sa kanyang pumanaw na ama at ina

-Ibinahagi rin nito sa social media ang mga paghihirap na naranasan, makamit lamang ang diploma

-Mararamdaman rin sa kanyang mensahe ang pangungulila sa mga magulang na maagang binawi sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilan ng dalagang si Jonafe Garcia Lozada Magsalay ang magpaabot ng kanyang mensahe para sa mga magulang.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, isang nakakaiyak na mensahe ang kanyang inialay para sa mga pumanaw na magulang.

PAY ATTENTION: 15 Rare But Remarkable Images Of The Royal Family

Kwento ni Jonafe, apat na taon na ang nakaraan nang mamatay ang kanyang ama. Hindi nila ito nakita sa huling sandali dahil malayo ito sa kanila para mag-trabaho.

At dala ng kahirapan ay hindi nila nagawang puntahan ito sa Zamboanga.

Ang kanyang ina naman ay namatay sa isang aksidente, dalawang taon na ang nakaraan.

Napakasakit para sa isang anak na makitang binabawian na ng hininga ang ina sa mismong harapan niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At dahil na rin dito, may mga panahon raw na naging sandalan niya ang alak upang panandaliang makalimot sa sakit ng pagkawala ng mga magulang.

May mga oras rin daw na inisip niyang wakasan na rin ang buhay.

Puno rin daw ng paghihirap, pagsasakripisyo at kakulangan ang kanyang buhay dahil na rin sa kakapusan sa pinansiyal na suporta.

Sa kabila nito, iniahon niya ang sarili sa kalungkutan at nilabanan ang sariling pagdurusa.

Ginamit niya ang kakayahan upang patuloy na makalaban sa bawat hamon ng buhay.

At ngayong magtatapos na siya sa kolehiyo, wala siyang ibang pag-aalayan kung hindi ang mga alaala ng mga namayapang mga magulang.

Bagamat hindi niya nakalimutang pasalamatan ang mga kapatid na tumulong sa kanya kahit pa nga may mga pamilya na ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel