Mag-inang Intsik na umano'y tinatawag na patay-gutom mga trabahador, supalpal kay Idol Raffy

Mag-inang Intsik na umano'y tinatawag na patay-gutom mga trabahador, supalpal kay Idol Raffy

- Dumulog sa Raffy Tulfo ang 13 trabahador ng isang pagawaan ng damit at inireklamo ang amo nilang Intsik

- Sobrang baba ang pasahod sa kanila - P150, P160, P180 bawat araw sa 6-7 hours na trabaho

- Bukod sa mababang pasahod, tinatawag umano silang patay-gutom at nakunan pa nila ng video na nanduduro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinupalpal ni Idol Raffy ang mag-inang Intsik na nagmamay-ari ng A. Yu Clothing, isang pagawaan ng tela, nang mag-usap sila sa Raffy Tulfo in Action

Nalaman ng KAMI na 13 trabahador ang dumulog kay Idol Raffy upang ireklamo ang sobrang baba ng sahod nila, at ang panghahamak umano ng kanilang amo sa kanila.

Ayon sa kuwento ng mga mananahi, iba-iba daw ang startig nila at tinatanggap nila kahit below minimum wage.

Sa loob ng 6 to 7 oras na trabaho, yung iba sumasahod ng P150, mayroon, P189, at yung iba after 3 years ay nagiging P270.

May video pa na ipinakita ang mga mananahi kung saan makikitang dinuduro sila umano ng amo, at tinatawag pa raw sila na patay-gutom.

Nagkasagutan si Idol Raffy at ang mag-inang Intsik at kahit si Idol ay sinabing mga bastos daw yung mag-inang Intsik.

PAY ATTENTION: Power Couples Who Are Still Adored By The Public Decades After

Isa sa mga sinabi ni Alice Yu na inalmahan ni Tulfo ay, "Karamihan sa mga kasamahan natin diyan, pinapunta ko dito sa Maynila, walang kaalam-alam...P270 kasi galing sila sa probinsiya, walang kaalam"

Sabi ni Idol kay Alice ay exploitation yung ginagawa niya at sinabihan din siya ni Idol na, "I hope you also understand na kayo'y nang-aapi ng inyong manggagawa!"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod dito, nagsumbong din ang mga mananahi na nag setup pa ng isang kumpanya ang Intsik para umano maka "lie low" sa BIR.

Sa huli, sinabi ni Idol Raffy, "Pagkatapos na bayaran kayo, layasan niyo na yan, bastos na amo yan!"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Want to know the "Firsts" of LizQuen. Liza and Enrique play the "Firsts" game. Watch it here.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel