Suspek sa pagpatay kay Christine, pinalaya! Pamilya ng dalaga, dismayado

Suspek sa pagpatay kay Christine, pinalaya! Pamilya ng dalaga, dismayado

-Hindi daw maintindihan ng pamilya ng pinaslang na si Christine Lee Silawan ang dahilan kung bakit pinalaya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa dalaga

-Ganunpaman, gusto nilang agad na maresolba ang kaso at mahuli ang iba pang salarin

-Mananatili raw mailap ang hustisya para sa pamilya kung patuloy na nakakawala ang mga taong brutal na pumatay kay Christine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dismayado at hindi maintindihan ng pamilya ni Christine Lee Silawan ang naging pasya ng Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office na palayain ang primary suspect sa kaso.

Marso 23, Sabado nang tanghali nang palayain na ang 17-anyos na suspek at dating kasintahan ni Christine, kasabay lamang ng libing ng dalaga.

PAY ATTENTION: 15 Rare But Remarkable Images Of The Royal Family

Ayon sa tiyahin ng dalaga na si Hermina Silawan Garcia sa isang panayam sa Cebu Daily News, ikinagulat raw ng pamilya ang balitang pinalaya nga ang suspek.

Ayon sa ulat ng CDN, pinalaya ang suspek dahil na rin sa ilang lapses na nakita ng Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office sa pag-aresto rito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ganunpaman, naniniwala pa rin sila na mananaig ang hustisya para sa brutal na pagkamatay ng dalaga at patuloy na gagawin ng mga awtoridad ang lahat para maresolba ang kaso.

Sabi naman ng lolo ni Christine, magiging mailap pa rin ang hustisya para sa pamilya kung nakakawala pa rin ang mga suspek at hindi maparusahan.

Dapat lamang daw na pagbayarin ang tunay na mga salarin.

Tumanggi naman na magbigay ng pahayag si Lourdes Silawan, ina ni Christine, kaugnay sa paglaya ng suspek.

Ngunit nanawagan naman siya kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang nararapat na hustisya para sa kanyang anak.

17-anyos na suspek sa pagpatay kay Christine, pinalaya! Pamilya ng dalaga, dismayado

Photo source: Cebu Daily News
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
JaDine fans gush over how James avoids giving Nadine ‘any reason to feel jealous’

JaDine fans gush over how James avoids giving Nadine ‘any reason to feel jealous’

JaDine fans gush over how James avoids giving Nadine ‘any reason to feel jealous’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel