Anak ng sekyu, kaisa-isang summa cum laude sa Benilde ngayong taon

Anak ng sekyu, kaisa-isang summa cum laude sa Benilde ngayong taon

- Isang anak ng security guard ang nagtapos bilang summa cum laude ng De La Salle College of St Benilde

- Agad na nakahanap ng trabaho si Janrey D. Nevado sa Globe Telecom bago pa man siya noon makapagtapos

- Siya ang nag-iisang summa cum laude ng kanilang batch at ang huling nagkamit nito ay mula pa sa mga nagtapos, anim na taon na ang nakalipas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang bumilib sa anak ng isang security guard na si Janrey D. Nevado na nagtapos bilang xumma cum laude ng De La Salle College of Saint Benilde.

Ayon sa Philippine Star, nakakuha si Janrey ng average na 3.802 ay siya lang ang summa cum laude sa lahat ng 1170 na mga nagsipagtapos.

Walong araw bago pa niya iparinig sa mga tao ang kanyang valedictory address noong Marso 9, mayroon na agad trabaho si Janrey.

“I currently work in Globe Telecom as a data science trainee under the training period but will have the job title of an ‘expert’ upon regularization. I got hired through Globe’s data science program where I am one of the 39 candidates who qualified. I started on March 1 this year. As of now, I am undergoing a training program that aims to equip employees with data science skill set,” kwento ni Janrey.

Agad na binahagi ni janrey ang kanyang kauna-unahang sahod sa mga magulang niyang iginapang talaga ang kanyang pag-aaral. Sa susunod pa niyang sahod, sisimulan na niyang magpundar pa ng mga gamit sa kanilang bahay upang guminhawa ang buhay lalo na ng kanyang mga magulang.

Kwento pa ng bagong graduate, di raw niya first choice sa papasukang paaralan ang Benilde. Katunayan, pasado rin siya sa University of Santo Tomas at maging sa De La Salle University.

Inamina agad ng ama niya na wala itong pampaaral sa DLSU ngunit di pa rin sila nawalan ng loob. Kumuha ng scholarship sa Benilde si Janrey kung saan pinalad siyang makapasa.

PAY ATTENTION: 15 Rare But Remarkable Images Of The Royal Family

Siya ay nakatanggap ng Pierre Romancon Grant, isang financial assistance program na sasagot sa 100% ng tuition fee ni Janrey.

Malaking bagay na walking distance lang ang kanilang inuupahang "kwarto" sa paaralan kaya napapagkasyo na ni Janrey ang baon niyang ₱100 sa isang araw.

Maraming pinagdaanan si Janrey sa pag-aaral niya sa isa sa mga paaralang mayayaman talaga ang mga nag-aaral.

Inakala niyang makararanas siya ng diskriminasyon, nagkamali siya dahil mapagbigay naman ang kanyang mga naging kaibigan.

Kwento pa niya, di naman daw siya magaling. Panay "line of 7" pa nga raw ang grado niya noong siya ay nagsisimula pa lang mag-aral.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinahiligan lamang niya ang mga palabas na pambata noon na may kinalaman sa Science tulad ng Jimmy Neutron at Phineas and Ferb.

nakaranas din siya noong ng ambu-bully dahil siya ay may katabaan. Mula grade 1 hanggang grade 5, second honor lamang siya sa kanilang klase. Ngunit sa tindi ng kanyang pagsusumikap, nagtapos siya ng grade 6 bilang first honor.

At siyempre, pinanindigan niyang maging consistent honor student nang tumuntong ng high school kung saan siya ang class valedictorian.

Alam ng mga kaklase niya sa kolehiyo na sekyu ang ama ni Janrey ngunit di naman ito naging problema sa kanila.

Noong gradutation lamang nalaman ng institusyon na isang security guard ang ama ng summa cum laude nila ngayong taon at mas lalo siyang hinangaan dahil dun.

Kaya naman ganun na lamang ang pagka-proud ng ama ni Janrey sa kanya. Kahit kailan ay di niya binigo ang kanyang mga magulang.

Lalo pa at ang kanyang ina at napirmi na lamang sa kanilang sari-sari store mula nang ito ay ma-stroke.

Marami raw talagang natutunan si Janrey sa mga pinagdaanan niyang ito sa buhay lalo na ang mga aral na mula sa kaniyang mga magulang.

Tinuruan siya ng kanyang ama na mangarap at huwag makontento lamang sa kung ano ang meron ngayon lalo na kung kaya pa naman mas mapaganda pa ang sitwasyon sa maayos na paraan.

Natutunan naman niya sa kanyang ina walang imposible sa mundo basta sasamahan ng pagsusumikap at determinasyon ang minimithing tagumpay.

Dahil dito, maituturing niya talagang bayani ng kanyang buhay ang kanyang mga magulang at ilang mga kaanak na gumabay at nagtaguyod sa kanya.

Laking pasalamat din niya sa kanilang paaralan na di niya akalaing magiging ganoon kainit ang pagtanggap sa kanya at hindi hinamak ang kanilang estado sa buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel