19-anyos na UST student na nagviral, pumanaw na matapos makipaglaban sa cancer

19-anyos na UST student na nagviral, pumanaw na matapos makipaglaban sa cancer

-Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ibinahagi ng nobyo ng nagviral na UST student ang pagpanaw nito dahil sa cancer

-Unang nasubaybayan ang istorya ng dalawa nang i-post ng BF nito ang kanilang love story sa social media

-Marami ang humanga sa katatagan ng mag-nobyo sa pakikipaglaban sa nakamamatay na sakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumanaw na ang 19-anyos na si Maxine Blanco, isang estudyante mula sa University of Santo Tomas (UST), matapos makipaglaban sa sakit na cancer.

Ibinahagi ng kanyang nobyong si Gab Sta Ana ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang Facebook post.

PAY ATTENTION: Beyoncé, Taylor Swift, and Other Celebrities Who Have Crashed Normal People's Weddings

“Max fought hard and I’m thankful for everything. No more pain, no more suffering. She might left us, but her spirit will always be here. I love you Maxine,” anito.

Una nang nasubaybayan ang kanilang istorya matapos mag-viral ang kanilang love story sa social media dahil sa Facebook post ni Sta. Ana, na una nang naibalita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maraming netizens ang humanga sa dalawa, na sa kabila ng batang edad ay nagpakatatag sa pakikipaglaban sa nakamamatay na sakit.

Samantala, isang Facebook page naman ang ginawa para kay Blanco, ang Live Life To The MAX.

Dito, ibinahagi rin ang nakakalungkot na balita ng pagpanaw ng dalaga.

“3 pm…the hour of the divine mercy. Maxine earned her angel wings and slowly going up in heaven. For sure all the other angels are thrilled in welcoming her,” ayon sa post ng page. “No more pain Baby Girl. We love you very much Maxine.”

Lubos na na nalulungkot ang KAMI sa maagang pagpanaw ni Maxine.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel