Nakakabahala! 8-anyos, ginahasa ng mga estudyante ng elementarya

Nakakabahala! 8-anyos, ginahasa ng mga estudyante ng elementarya

-Nakakabahala ang naging karanasan ng isang 8 taong gulang na batang babae mula sa kapwa-bata lang din

-Ayon sa biktima, ginahasa siya ng mga estudyanteng nasa elementarya pa lamang

-Lumabas sa imbestigasyon na nagawa ito ng mga salarin dahil sa labis na panonood ng mga malalaswang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang nakababahalang balita ang naiulat ngayon sa Indonesia kaugnay sa isang 8-anyos na batang babae na ginahasa umano ng mga estudyanteng nasa elementarya pa lamang.

Ayon sa ulat ng The Asianparent, nagawa ito ng mga batanag salarin dahil sa labis na panonood ng mga malalaswang video online.

PAY ATTENTION: Power Couples Who Are Still Adored By The Public Decades After

Nangyari ang insidente minsang naglalaro ang biktima kasama ang ibang kalaro nang tawagin at ayain ito ng mga suspek.

Dinala umano ito sa isang kulungan ng mga kambing at doon na ginawa ang pakay sa biktima na sunod-sunod umanong pinagsamantalahan ng mga ito.

Hindi agad nakapag-sumbong ang biktima na inabot pa ng isang linggo bago nagawang sabihin sa kanyang mga magulang ang nangyari.

Nakakabahala! 8-anyos, ginahasa ng mga estudyante ng elementarya

Photo source: Google Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Nang malaman ang nangyari ay agad na raw nag-report ang mga ito sa mga pulis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alamang isang 24-anyos na biyudo na kapitbahay rin ng biktima at ng mga suspek ang nagpapanood sa mga bata ng mga malalaswang video.

Ito na umano ang nagtulak sa mga suspek upang gawin ang krimen sa kawawang biktima.

Dahil sa menor de edad pa ang mga suspek ay sasailalim muna ang mga ito sa rehabilitation sa High Commission General of the National Police Criminal Investigation Unit.

Ngunit ipatutupad pa rin daw ang batas na naaayon para sa mga ito.

Habang ang lalaking siyang nagtulak para makagawa ng krimen ang mga bata ay makukulong rin sa loob ng limang taon.

Maging babala sana ito sa lahat ng mga magulang. Huwag gawing basehan ang pagiging busy sa trabaho upang magkulang sa gabay sa mga bata.

Maiiwasan sana ang insidenteng ito kung nagkaroon ng kalinangan ang biktima at ang mga salarin sa mga nakapapahamak na bagay sa paligid nila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gas boy, nalula sa laki ng halaga ng pabuya ng babaeng minsan niyang natulungan

Gas boy, nalula sa laki ng halaga ng pabuya ng babaeng minsan niyang natulungan

Gas boy, nalula sa laki ng halaga ng pabuya ng babaeng minsan niyang natulungan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel