Premonisyon ni Christine Silawan, ibinahagi ng ina nito kay Raffy Tulfo

Premonisyon ni Christine Silawan, ibinahagi ng ina nito kay Raffy Tulfo

-Tila nagbigay daw ng premonisyon ang napaslang na si Christine Lee Silawan sa kanyang ina bago ito mamatay

-Ibinahagi naman niya ito kay Raffy Tulfo na sinadya ang pamilya Silawan sa Cebu upang makiramay

-Hindi rin nito nakalimutang mag-abot ng tulong sa pamilya at nangako pang ipapagawa ang kubo ng mga naulila ni Christine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila nagbigay raw ng premonisyon ang napaslang na dalaga sa kanyang ina bago ito mamatay noong Marso 10, 2019.

Ibinahagi naman ito ng ina ng dalaga kay Raffy Tulfo na sinadya pa ang pamilya Silawan upang makiramay na rin.

PAY ATTENTION: The 25 Wealthiest Families In The United States Revealed

Ayon kay Lourdes, ina ni Christine, nilabhan daw ng anak ang lahat ng mga damit nito bago ito pumanaw, na hindi naman nito ginagawa dati.

Inilibing na ngayong araw ang dalaga at labis-labis pa rin ang panaghoy ng ina nito na hinimatay pa sa kalagitnaan ng libing ng anak na naibalita na ng KAMI.

Samantala, ayon sa Facebook post ng Raffy Tulfo in Action page, ipinakita ng pamilya ni Christine ang kanilang kubo kay Tulfo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sira-sira na ito at maliit lamang. Labis daw na naawa si Tulfo sa pamilya kung kaya naman nangako itong ipapa-ayos ang tahanan ng mga naulila ni Christine.

Nag-abot rin ito ng tulong sa pamilya na magagamit nila hanggang sa ma-i-sa-ayos ang kanilang tirahan.

Bibigyan rin nito ng kabuhayan showcase ang pamilya para sa ikabubuhay ng mga ito. Nakita kasi ni Tulfo ang maliit na tindahan ni Lourdes na paubos na ang laman.

Ayon sa post, tumawag agad si Tulfo sa isa sa mga staff ng kanyang programa upang maayos na agad ang kanyang mga ipinangako sa pamilya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Malacañang, naglabas ng pahayag ukol sa "Duterte" sa Urban Dictionary

Malacañang, naglabas ng pahayag ukol sa "Duterte" sa Urban Dictionary

Malacañang, naglabas ng pahayag ukol sa "Duterte" sa isang online dictionary
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel