Tibo, tinanggap pa rin ang buntis na partner at handang magpaka-ama sa dinadala nito

Tibo, tinanggap pa rin ang buntis na partner at handang magpaka-ama sa dinadala nito

Binahagi ni Julie Vitto ang naiibang kwento ng pag-iibigan nila ng lesbian partner niyang si "Rence."

Bagaman at noong 2010 pa ang kanilang relasyon, binagyan pa rin sila ng matinding pagsubok na muntik nang sumira sa kanilang pagsasama.

Nang umuwi kasi si Julie sa probinsya upang makasama ang pamilya, di niya akalain na ipagkakasundo siya ng kanyang kuya at ama sa lalaking taga roon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinagsama sila hanggang sa nabuntis si Julie nang di inaasahan.

Kinakaya naman na niya sana ang lahat ngunit alam niyang may tao siyang labis na sinasaktan at ito ay si Rence.

Kaya naman tinakasan niya ang pamilya upang lumuwas at humingi ng tawad kay Rence.

Imbis na magalit, mahigpit lamang na yakap ang sinalubong ng partner at pinangakong paninindigan nito ang sitwasyon ni Julie kahit pa ito ay buntis na.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwentong pag-ibig na kanilang binahagi sa KAMI:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Second Chance

Itago nyo na lang ako sa pangalang Rein, 31yrs. old. January 12, 2010 nakipagrelasyon ako sa isang Lesbian tawagin nyo na lng cia sa pangalang Rence.
Nagsama kami noong Oct. 15, 2010. Sobrang okey ng relasyon namin, may tampuhan pero at the end of the day nagkakaayos kami, may pagkaselosa kasi ako. April 17, 2018 nagstay na muna ako sa province namin para mkasama family ko.
Nagsimula ang kalbaryo ng buhay namin noong Aug. 5, merong isang guy na mtagal ng nanliligaw sakin, ayoko sa kanya at ayaw rin sa kanya ng buong family q but all of a sudden sa isang iglap nagbago ang lahat. Plinano ng kuya ko at ng pamilya ko yong buhay ko. Dati naman okey lang sa family ko yong lesbian kong partner hanggang sa pinatawag ng kuya ko yong buong family ni Guy. Kahit wla kming relasyon ni Guy pinagpilitan nila ang gusto nila, wala akong magawa kasi nagpadala ako sa takot, iba kasi ugali ng kuya ko saka tatay ko.
Binantaan nya ako na itatakwil na kpatid saka aalis daw sya at hindi na magpapakita samin kpag di ko sya sinunod. Katwiran nila kelangan ko daw bumuo ng sariling pamilya at anak na mag aalaga sa aking pagtanda.. Dahil sa takot ko kya nakisama ako sa guy, walang alam c Rence sa mga nangyari sakin.

PAY ATTENTION: The 25 Wealthiest Families In The United States Revealed

Sinarili ko yong nraramdaman ko. Pero dumating yong time na nalaman nya lahat. Sobra ko syang nasaktan kaya nagdecide ako na umalis sa province nmin para kausapin c Rence. Umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kuya ko at sa tatay ko kasi alam kong hindi sila papayag. Feb. 10 nagkaharap kami ni Rence tanging mahigpit na yakap sinalubong nya sakin.
Wla akong magawa that time kundi ang umiyak at huminge ng sorry, pasensya at tawad sa kanya. Sinabi ko sa kanya lahat-lahat.
Tinanggap nya ako ng buong puso, mga tanong na walang halong panunumbat. Sinabi ko sa kanya na preggy ako, tanggap nya pa rin.
Sa ngayon halos sya yong nagpapakaama sa magiging anak ko. Oo hindi nya kadugo ang batang nasa tiyan ko pero pinanindigan nya ako.
Hanggang March 30 lang ang taning sakin ng family ko kya kelangan kong umuwe upang harapin sila. Alam kong sarado isipan nila sa mga paliwanag ko pero buo na desisyon ko. Kaya ko ng panindigan si Rence. Hindi na ako magpapadala sa takot at ayoko ng diktahan pa nila buhay ko. Kelanman hindi ako naging masaya sa pinili nilang buhay na para sakin. Kahihiyan man ang idudulot ko sana lng maisip nila kung saan ako magiging masaya.
Nagkamali ako noon pero sobra ko yong pinagsisisihan kaya siguro naman deserve ko ang second chance. Maraming humusga sakin pero di naman nila alam ang tunay na kwento.
Isa lng ang masasabi ko, hindi naman ako ganon kasamang babae. Kayo na bahalang manghusga sakin, alam ko naman sa sarili ko na nagkamali ako.
Para kay Rence MAHAL NA MAHAL KITA HIGIT PA SA SOBRA. Ikaw at tanging ikaw lang.
THANKYOU, SORRY, PASENSYA NA AT PATAWAD.
BABAWI ako, AALAGAAN at IINGATAN kita.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filter'

Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filter'

Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filter'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel