Pinay OFW, maipapasyal ang pamilya sa Taiwan dahil sa tour na sagot ng kanyang amo

Pinay OFW, maipapasyal ang pamilya sa Taiwan dahil sa tour na sagot ng kanyang amo

Masasabing maswerte talaga ang OFW na si Juvy Dacalano Andal dahil sa nagkaroon siya ng mabuting amo sa Taiwan.

14 taon na siyang domestic helper sa nasabing bansa at wala raw siyang naging mabigat na problema sa paninilbihan sa kanyang pamilyang tinutuluyan.

Bagaman at nasa 16 na oras ang kanyang trabaho sa isang araw, maayos naman ang kanyang kiinakain dahil kung ano ang pagkain ng amo ay siya rin niyang kinakain di gaya ng ibang OFW na nagagawa pang di pakainin ng amo.

Ang tanging kalaban lamang daw ni Juvy ay ang lungkot na mawalay sa kanyang pamilya lalo pa at maliliit pa noon ang kanyang anak.

Ngunit ngayon, tila masusuklian ang lahat ng sakripisyo ni Juvy at ng kanyang pamilya.

Bukod sa napaayos na nila ang kanilang tahanan at napagtapos ang mga anak, maipapasyal niya pa ito sa tulong ng kanyang amo na niregaluhan sila ng trip to Taiwan.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Juvy na binahagi niya sa KAMI:

FRUITS OF LABOR
Gusto klang po e share ang pinag daanan ko dito bilang yaya, all around linis bahay 3 palapag pg alaga kay lolo for almost 14 yrs.....5 am gicing mg ligo taz akyat n sa taas kasi prepare ng bfast ng mga bata taz need malinis lahat ng 10am kasi go n nman kmi sa shop pra doon mg luto ng lunch after ng linis doon balik ulit sa bahay pra mg plansa, sundo sa alaga at mg luto ng dinner akla ko nong una diko kaya sa subrang dami ng trabaho wlang phinga khit sa tanghali nkka upo lng pg kumain.... 16hrs n nka tau wlang tigil n trabHo... Bless parin ako sa Amo ko kasi kong ano kina kain nila yon din pgkain ko d sila madamot binibilhan p nila ako minsan ng mga drinks at kong ano ano pa prang pmilya nrin turing nila sa akin pero may time tlga na pg nkka kita ako ng eroplano uwing uwi n ako kasi 9yrs old at 5yrs old plang noon mga anak ko at first time kong mawalay sa knila pero iniicip ko paano ko sila mpapaaral pg uuwi ako... Dina daan ko nlang sa iyak at dasal tuwing umaataki si homesick kina kausap ko si papa God n gabayan kming lahat.... Marami mang pg subok ang aming pinag daanan pero kailan man d kmi sumuko pasalamat din ako sa mr ko kasi xa ang tumayong Amat Ina sa mga anak ko d nya pinabayaan at d rin nya sinanay ng pera mga anak ko kontinto n kong ano meron sila at ng sumikap din pra mka tapos ng pg aaral ngayon ofw nrin sa Japan panganay ko at graduation nrin ng bunso ko ngayong April. Thank you papa Jesus sa yng wlang sawang pg gabay sa amin. Super blessed tlga kmi wla man akong ipon n pera n uuwi sila ang aking kayaman. Kaya alam kong kayang kaya nyo rin yng trabahong pinasok nyo love ur work pra d masyado mahirapan at lagi po taung mg dasal. Lahat handang tiisin at wlang mhirap pra sa taong may pangarap. Sila ang aking inspirasyon. Pxencia npo subrang haba. Sana nkpag bigay ng inspirasyon tong aking kwento bilang Ofw. Proud OFW TAIWAN at member dito sa group. Godbless us all: biggest blessings binigyan ako ni madam ng 5 days early exit sa bahay nila pra mka sama ko family ko na mg tour dito, sponsor ng Amo ko.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Jones clarifies pregnancy rumors because of a recent Instagram post

Kim Jones clarifies pregnancy rumors because of a recent Instagram post

Kim Jones' recent photo with husband sparked pregnancy rumors
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel