Gurong may kanser, buong tapang na pumapasok parin sa paaralan

Gurong may kanser, buong tapang na pumapasok parin sa paaralan

- Isang guro ang buong tapang na pumapasok pa rin sa paaralan sa kabila ng kanyang karamdaman

- Dahil sa dami ng gastusin sa kanyang pagpapagamot, pinili pa rin niyang pumasok ng paaralan upang may kitain

- 2018 nang ma-diagnose siya ng cancer sa kanyang dibdib kaya naman mula noon ay umapaw na ang gastusin ng kanyang pagpapagamot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang guro ang hinahangaan ngayon dahil sa patuloy pa rin niya sa serbisyo sa kabila ng kanyang karamdaman.

Ayon sa post ng kanyang kapwa guro na si Maureen Calubaquib, si teacher Teresa ay na-diagnose ng cancer sa dibdib noon lamang nakaraang taon.

Na-operahan na raw sa dibdib si teacher Teresa, sumailalim na rin sa 4 na cycle ng treatment at 12 cycles ng chemotherapy.

Walang asawa at mga anak ang guro, ngunit lahat ng pagpapagamot sa kanya ay naisagawa sa tulong ng kanyang mga kaanak, kaibigan, katrabaho at maging ng Philippine cancer society.

PAY ATTENTION: Meet Top 20 Wealthiest Families Of The World

Iba't ibang mga organisasyon na rin ang nilapitan ni teacher Teresa upang humingi ng tulong sa kanyang pagpapagamot ngunit di ito sapat para sa halaga ng Herceptin, isang uri raw ito ng chemo drug.

Ang nakakalula pa, 18 sessions ng chemotherapy ang sinabi ng doktor na kailangang isagawa sa guro na gamit ang gamot na ito. Bawat session ay nagkakahalaga ng tinatayang nasa ₱96,000.

Talagang di madali ito para sa isang single na tulad ni teacher Theresa at isa pang public school teacher na tila di nauubusan ng gawain.

Ngunit ang nakamamangha raw sakanya, ni minsan ay di ito kinakitaan ng kawalan ng pag-asa. Naniniwala ang guro na wala raw imposible sa Panginoon kaya naman hinaharap niya ang araw-araw ng buong tapang at tiwala na malalampasan niya ang lahat ng ito.

Katunayan, pumapasok pa siya sa paaralan sa kabila ng kanyang kondisyon. Kinakaya niya ito dahil na rin sa kailangan niyang kumita at matustusan ang kanyang pagpapagamot.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa nag-post na si teacher Maureen, mabuting tao si teacher Theresa kaya naman nararapat lamang na siya ay gumaling dahil sa maraming bata pa ang kanyang maaring maturuan at matulungan.

Humihingi na rin ng suportang pinansyal ang guro, maliit man o malaki ay makatutulong na sa pagpapagamot ni teacher Theresa.

Tunay na nakamamangha ang tapang niya at sana nga ay mabigyan pa siya ng pagkakataong lumakas at ipagpatuloy ang buhay.

Sa nais tumulong, narito ang numero at account number ni teacher Teresa:

Teacher Teresa- 0908 3188019

BANK NAME : BDO ACCOUNT

Account Name TERESA G. TANDOC

Account Number 003890119977

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filters'

Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filters'

Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filter'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel