Kaye Abad, may pahayag sa gaganap kung may Tabing Ilog remake

Kaye Abad, may pahayag sa gaganap kung may Tabing Ilog remake

- Nagbigay umano ng pahayag si Kaye Abad tungkol sa kung sino raw ang gusto niyang gumanap kung magkakaroon ng Tabing Ilog remake

- Dalawang dekada ng nakakaraan nang umere ang dating hit TV series na Tabing Ilog

- Kaugnay dito, maraming mga fans ang gusto na magkaroon ng remake ang naturang Kapamilya show

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napag-alaman ng KAMI na nagbigay pahayag si Kaye Abad tungkol sa gaganap kung may Tabing Ilog remake na gagawin.

Dalawang dekada ng nakakaraan nang unang umere ang dating hit Kapamilya TV series at kaugnay dito ay maraming mga fans ang gusto na magkaroon ng remake ang show.

Kaya naman nang napanayam ng Push si Kaye ay naitanong ito kung sino raw ang gusto niyang gaganap sa remake ng Tabing Ilog kung meron man.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ani pa ni Kaye:

“Maraming pwedeng gumanap kasi ang daming magagaling na artista na ngayon na bago. But siguro kung pwede sana ‘yung grupo na magkaka-barkada talaga. Importante kasi ‘yung bonding ng magkakaibigan para lumabas na natural on screen na magkaka-barkada talaga sila so kahit sino siguro."

Open din siya na gawin uli ang kanyang role bilang si Eds kung bibigyan ng pagkakataon.

“Lagi ko kayang sinasabi na bakit hindi i-reunion, na kahit isang episode lang? Sabi ko nga kahit MMK special na Tabing Ilog na episode, kung ano na ‘yung buhay nila ngayon na bilang lahat kami may anak na, na ito ‘yung nangyari sa buhay nila Eds, Rovick, George, lahat. Kung sino na ang nagka-anak, kung nagkatuluyan ba itong mga characters na ‘to. Parang masaya lang siyang mapanood kahit one episode lang, kahit special lang, kahit Sunday’s Best."

PAY ATTENTION: Meet Top 20 Wealthiest Families Of The World

Si Kaye Abad ay nagbabalik sa bagong Kapamilya teleserye, ang 'Nang Ngumiti ang Langit.'

Ngayon, isang happy at loving wife na ang aktres at masayang naninirahan sa Cebu kasama ang mister na si Paul Jake Castillo at ang kanilang anak.

Ibinahagi namin kamakailan lang ang pagpili ni Kaye sa Cebu kaysa Maynila dahil ika pa niya mas relax daw siya doon.

POPULAR: Read more news about Kaye Abad here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As we celebrate International Women’s Month, our team went out to the streets to give flowers to all beautiful, strong women.

Get more exciting, fun, insightful, and inspiring videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Jhong Hilario’s heartbreaking post about Eddie Garcia’s death goes viral

Jhong Hilario’s heartbreaking post about Eddie Garcia’s death goes viral

Jhong Hilario’s heartbreaking post about Eddie Garcia’s death goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel