Mag-inang nangangalakal ng basura, humakot ng sorpresa

Mag-inang nangangalakal ng basura, humakot ng sorpresa

-Dala ng kahirapan kung kaya walang ibang pagpipilian ang mag-inang Medi at Jana kung hindi ang mangalakal ng basura

-Ngunit dahil din sa hirap ng buhay, madalas na pagsimulan ito ng gulo at away sa kanila

-Ngunit dahil sa isang liham, may nahakot na sorpresa ang buong pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil sa hirap ng buhay at pangangailangan ng pamilya, kinailangan ng mag-inang Medi at Jana Gajudo ang mangalakal ng basura.

Araw-araw nila itong ginagawa sa kanilang lugar para lamang makauwi ng kaunting halaga na pagkakasyahin na ng pamilya sa isang araw na gastusin.

PAY ATTENTION: Pointers To A Healthy Relationship We All Should Know About

Wala na raw pagpipilian ang ginang na si Medi at ayaw naman nitong magutom ang kanyang mga anak.

Hindi rin kasi palaging may trabaho ang asawang karpintero na si Ronaldo.

Kaya kahit na mahirap at nakakahiyaan na rin, nanghihiram na lang sila ng trolley upang magamit sa pangangalakal ng mga basura.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, naisipan ni Jana na sumulat sa programang Mission Possible upang humiling ng tulong.

Hindi naman sila nabigo dahil sinadya pa sila ng sikat na host nito na si Julius Babao upang maghatid ng tulong para sa pamilya.

Inakala pa noong una ng mag-ina na normal na pangangalakal lamang ang gagawin ng mga ito.

Hindi nila inasahang ang mga "basura" na hinakot nila ay mga sorpresa pala.

Makikita ang labis na tuwa sa mga ito lalo pa salat ang mga ito sa maraming bagay.

Ngunit buong pagmamalaki ni Medi, sa kabila ng kanilang paghihirap, maituturing niyang yaman ang buong pamilya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel