Uber driver, arestado matapos silipan ang mga pasahero sa pamamagitan ng video

Uber driver, arestado matapos silipan ang mga pasahero sa pamamagitan ng video

-Arestado ang isang Uber driver sa Hong Kong matapos itong maaktuhang ivi-ni-video ang kanyang 28-anyos na pasahero

-Bukod rito, nadiskubre rin ang iba pang mga videos nito ng mga babaeng pasahero na umabot pa sa 870

-Nagawa umano ito ng 44-anyos na suspek dahil 10 taon na itong hindi nakikipagtalik sa asawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Arestado ang isang 44-anyos na Uber driver matapos itong maaktuhan na ivi-ni-video ang kanyang 28-anyos na babaeng pasahero habang natutulog.

Nahuli ang suspek na kinilalang si Wong Yiu-long ng mga awtoridad nang parahin ito upang isailalim sa breathalyser test ngunit doon mismo nadiskubre ang "diskarte" nito.

PAY ATTENTION: Pointers To A Healthy Relationship We All Should Know About

Ayon sa ulat ng South China Morning Post, nakuha ng mga awtoridad ang isang cellphone sa loob ng glovebox nito at nakita ang live-streaming video tampok ang pasahero nito.

Bukod sa 13 videos ng pasahero nito kung saan kita ang underwear nito ay mayroon pang 870 iba pang videos ng ibang mga pasahero nito sa nasabing posisyon.

Nadiskubre mula sa likod ng driver's seat ang dalawang pinhole cameras na ginagamit ng suspek.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Bukod sa krimen na ito, natuklasan ring walang car hire permit ang nasabing driver.

Ayon pa sa ulat, napaiyak na lamang ang suspek nang iharap ito sa madlang-tao, mga biktima nito at maging sa pamilya nito.

Inamin nito ang mga nagawang pagkakamali at sinabi pa umanong nagawa lamang ang krimen dahil sa 10 taon na itong hindi nakikipagtalik sa asawa.

Nagmulta ang suspek ng HK$2,000 dahil sa ilegal na car service at pagkakakulong ng tatlong buwan ngunit nabawasan ito dahil sa naging pag-amin at paghain ng guilty plea sa pag-re-record sa kanyang mga pasahero.

Uber driver, arestado matapos silipan ang mga pasahero sa pamamagitan ng hidden cam
Photo source: Google Images/ Photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone