8 Pinoy stars na nahanap ang "true love" sa taga-Cebu

8 Pinoy stars na nahanap ang "true love" sa taga-Cebu

Naispatan ng KAMI ang 8 sa mga kilalang Pinoy stars na nahanap ang "true love" sa taga-Cebu.

Ang iba sa kanila ay matagal ng ikinasal at nagkaroon ng pamilya habang ang iba naman ay tila tinatahak na ang "forever."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilan sa kanila ay tahimik ng naninirahan sa Cebu at masayang ini-enjoy ang buhay sa naturang siyudad kasama ang pamilya.

1. Sarah Geronimo

Nahanap ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang kanyang "true love" sa katauhan ni Gianmatteo Vittorio Fernan Guidicelli o mas kilala sa showbiz bilang si Matteo Guidicelli.

Ang huli ay ipinanganak sa Cebu at nakilala bilang isang racer at triathlete bago pumasok sa showbiz.

2. Liza Soberano

Ang magandang Kapamilya actress na si Liza Soberano ay na-inlove naman sa isa pang taga-Cebu na si Enrique Gil.

Ipinanganak si Quen sa Cebu City noong March 30, 1992.

3. Xian Lim

Si Xian Lim naman ay nahulog sa kagandahan ng Chinita Princess ng Cebu na si Kimberly Sue Yap o mas kilala bilang si Kim Chiu.

Ipinanganak noong April 19, 1990 sa Tacloban at nanirahan sa Cebu nang mag-adution sa Pinoy Big Brother at inuwi ang big win.

4. John Prats

Ang actor-director na si John Prats naman ay nahanap na ang kanyang "forever" sa magandang misis na si Isabel Oli.

Si Maria Olivia S. Daytia o mas kilala bilang si Isabel Oli ay ipinanganak sa Cebu City noong October 20, 1981.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

5. John Lloyd Cruz

Ang award-winning actor naman na si John Lloyd Cruz ay nabighani at nahulog ng tuluyan sa rich girl from Cebu na si Ellen Adarna.

Nagkatrabaho ang dalawa sa Home Sweetie Home at ngayon ay masaya na raw kasama ang kanilang anak.

6. Eddie Gutierrez

Ang gwapo at batikang aktor na si Eddie Gutierrez ay na-inlove naman sa beauty ni Annabelle Rama.

Sa kuwento pa ni Annabelle sa ABS-CBN News, nagkita sila ni Eddie noong 24 years old ito sa isang malaking event sa Cebu at doon daw nag-umpisa ang lahat.

7. Donna Cruz

Ang multi-media star naman na si Donna Cruz ay na-inlove at natagpuan ang forever sa katauhan ng doktor na si Yong Larrazabal.

8. Kaye Abad

Ang magandang Kapamilya actress naman na si Kaye Abad ay napag-ibig sa taga-Cebu rich guy na nakilala sa PBB na si Paul Jake Castillo.

Ipinanganak si Paul Jake noong December 22, 1984 at ngayon ay happily married na kay Kaye kasama ang kanilang gwapong bundle of joy.

PAY ATTENTION: 15 Rare But Remarkable Images Of The Royal Family

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As we celebrate International Women’s Month, our team went out to the streets to give flowers to all beautiful, strong women.

Get more exciting, fun, insightful, and inspiring videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizen, nahabag sa Grab Food delivery man na walang kapote sa kasagsagan ng ulan

Netizen, nahabag sa Grab Food delivery man na walang kapote sa kasagsagan ng ulan

Netizen, nahabag sa Grab Food delivery man na walang kapote sa kasagsagan ng ulan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel