9 na buwang sanggol na nag-agaw buhay dahil di u mano sa kapabayaan ng ospital, pumanaw na

9 na buwang sanggol na nag-agaw buhay dahil di u mano sa kapabayaan ng ospital, pumanaw na

- Nag-viral ang post ng netizen na si Marineth Aday Hernandez tungkol sa batang si Geraldin Carabit na sinugod sa ospital ng Lucena city ngunit di agad nabigyan ng atensyon at karampatang lunas sa dinaramdam

- Inabot pa di umano ng halos 14 oras bago tuluyang maasikaso ang bata sa ospital kung hindi pa umiyak ang mga magulang nito dahil sa nakita nilang hirap na ang bata

- Isang araw ang lumipas at tuluyan nang pumanaw ang ang 9 na buwang gulang na sanggol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang sinapit ng isang siyam na gulang na sanggol na sinasabing pumanaw dahil sa kapabayaan ng ospital.

Sa post ng netizen na si Marineth Aday Hernandez nilahad niya ang nangyari sa sanggol na si Geraldine Carabit.

Ayon kay Marineth, bandang alas kwatro ng hapon noong Marso 19 nang isugod si Geraldine ng kanyang mga magulang sa Quezon Medical hospital ng Lucena city sa probinsya ng Quezon.

Sinabi ng nurse na maghintay lamang sila gunit habang tumatagal ay di lalo silang naasikaso at napapansin.

https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=2137113613267359&id=100009062220591

PAY ATTENTION: Forbes Top 10 Wealthiest Celebrities In 2018

Inabot pa ng hanggang alas sais ng umaga ng Marso 20 bago sila tuluyang pansinin sa ospital. Ito ay dahil sa umiyak na raw sa pagmamakaawa ang magulang ni Geraldine.

Saka palang sinabi na kailangan na ng oxygen ang bata. Agad na pumayag ang mga magulang nito dahil sa alam nilang hirap na hirap na ang kanilang anak.

Ngunit, imbis na ilagay sa intensive care unit ang naghihingalo nang si Geraldine, nanaitili ito sa pasilyo sa loob ng ospital at may batang kahati pa ito sa kama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kitang kita raw talagang hirap ang bata sa kanyang kalagayan.

Isang araw lamang ang tinagal ni Geraldine at tuluyan na itong pumanaw.

Isa sa nakikita nilang dahilan ay ang di pag-aasikaso agad ng ospital gayung hirap na hirap na ang sanggol. Kinailangan pang humantong sa puntong magmakaawa ang kanyang magulang dahil lamang sa nag-aagaw buhay na ito.

Samantala, sa ibang post ni Marineth, kanyang nabanggit na sa Marso 26 tuluyan nang ihahatid sa huling hantungan si Geraldine.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizen, nahabag sa delivery man na walang kapote sa kasagsagan ng ulan

Netizen, nahabag sa delivery man na walang kapote sa kasagsagan ng ulan

Netizen, nahabag sa Grab Food delivery man na walang kapote sa kasagsagan ng ulan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel