Facebook at Instagram, nagbabala sa kanilang users na magbago agad ng password

Facebook at Instagram, nagbabala sa kanilang users na magbago agad ng password

- Nagbigay babala sa publiko lalo na ang may mga Facebook at Instagram accounts na magbago ng kani-kanilang password sa lalong madaling panahon

- Natuklasan ng social media company na nasa isang readable format lang ang mga account passwords kaya madali itong maa-access

- Nilinaw naman ng Facebook na hindi nila binahagi ito sa labas ng kanilang kompanya ngunit mainam na magbago na agad ang kanilang mga users ng password para sigurado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay babala ang mismong Facebook at Instagram na magbago ng password ang kanilang mga users sa lalong madaling panahon.

Ayon sa Philippine star, natuklasan di umano na nasa isang readable format lamang ang mga account passwords ng milyon-milyong Facebook at Instagram users dahilan para madaling makapasok o magamit ang kanilang mga account.

PAY ATTENTION: Pointers To A Healthy Relationship We All Should Know About

Nilinaw naman ng Facebook na ang mga passwords na nasa readable format at di naman nila binahagi sa labas ng kanilang kompanya ngunit mainam pa ring baguhin ang mga passwords para sigurado.

Sa pagbabago ng passwords na mainam na i-logout din ang account sa lahat ng devices na pinagamitan nito.

Ito ay upang masiguro na rin ang seguridad ng impormasyon ng bawat isa.

Sa ngayon, wala pang naiuulat na naganap na pang-aabuso sa mga account.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pangamba nga lang ng ilang netizens na baka kahit mabago ang kanilang password, doon pa rin ito ma-save sa readable format.

Ito ang dapat nang tutukan ng Facebook at Instagram upang mapanatili ang privacy ng kanilang mga users.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel