Dante Gulapa, emosyonal na binahagi ang kwento ng kanyang buhay

Dante Gulapa, emosyonal na binahagi ang kwento ng kanyang buhay

- Binahagi ni Dante Gulapa ang kwento ng kanyang buhay na kinagulat ng marami

- Dumaan sa matinding hirap si Dante ngunit kahanga-hanga ang pinakita niyang determinasayong magsumikap

- Di kinahihiya ni Dante ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay at ginagamit pa nga niya itong inspirasyon sa pagkamit ng kanyang mga pinapangarap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di na napigilan ang kasikatan ng lalaki sa likod ng mga "flying eagle dance moves" na si Dante Gulapa.

Nakilala siya sa kanyang mga "macho dancing videos" na kinatuwaan ng marami kaya naman nag-viral.

Kaya naman di niya inaasahang magkakaron pa siya ng mga fans, ang "Gulapanatics" at "Daigonatics". Di rin makapaniwala ang mga ito sa tindi ng pinagdaanan ng kanilang mga idolo.

Sa panayam ng YouTuber na si Senpai Kazu, nilahad ni Dante ang kwento ng kanyang buhay na kinagulat talaga ng marami.

Mula sa broken family si Dante at di rin siya nakatungtong ng high school. Kwento pa nga niya, ilang beses pa raw siyang nagpa-ulit ulit na bumalik ng grade six at hirap din talaga siya noong magbasa.

Di kinahiya ni Dante na minsan na ring napariwara ang kanyang buhay. Naranasan niya talaga ang lahat halos ng kalokohan noong kabataan niya.

PAY ATTENTION: Celebrities Who Won't Do Nude Scenes

At dahil sa husay niya sa pagsayaw, ito na ang naging puhunan niya upang makapasok sa mga bar bilang performer.

Nakilala niya ang kanyang misis sa kalapit na bar kung saan din siya unang nagtrabaho. "Love at first sight" pa nga raw niya itong maituturing dahil kahit pa alam niyang may edad ito sa kanya, ito pa rin ang pinili niyang makasama sa habang buhay.

Nagkaroon sila ng tatlong anak na siyang pinagsusumikapan nilang buhaying mag-asawa.

Di naging madali ang buhay mag-asawa nina Dante dala na rin ng hirap sa buhay. Naranasan nilang mabaon sa utang at walang makain lalo na nang ma-raid ang bar kung saan siya nagtatrabaho.

Walang pumapasok na pera noon sa kanila kaya talagang emosyonal siya nang maalala niya ang panahong iyon na talagang sinubok silang pamilya.

Ngunit di tumigil si Dante sa paghahanap ng pagkakakitaan. Tanda niya noong kasagsagan ng bagyong Ondoy kung saan may mga na-i-stranded na pasahero sa kanilang lugar, naisipan niyang magtinda ng makakain para sa mga taong iyon.

Ang 700 pesos na pambili sana noon ng gatas ng anak niya ay kanyang napalago. Dinirediretso na nila ng kanyang misis ang paglalako ng mga pagkain na siyang pinagkukunan nila ng panggastos sa araw-araw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinasok din niya ang pagbibenta ng mga longganisa, tocino at iba pa. Hanggang sa di niya namamalayan na nakakaipon na pala siya. Hindi nga rin makapaniwala ang kanyang asawa at inakala pa nitong galing sa masama ang naipon niyang nasa ₱14,000.

Hanggang sa isang araw, tila nabitin siya sa kanyang pagwo-workout at tila na-miss niya ang pagsasayaw, naisipan niyang i-video ang sarili.

Hindi niya talaga inaasahang magiging viral ang kanyang mga "eagle dance moves" dahilan siya ay mapansin at magkaroon siya iba't ibang raket.

Isa na rito ang pag-imbita sa kanya ng programang Studio 7 at iba pang mga shows kung saan nagkakaroon muli siya ng pagkakataong magsayaw.

Dahil sa mga biyayang tinatamasa, naniniwala si Dante na wala talagang imposible sa Panginoon. Sa kanyang sipag at determinasyong makaahon sa hirap, tila pinatawad na raw siya ng Panginoon sa mga kalokohan niyang nagawa dahil pinakita rin daw niya ang pagbabagong buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Dating adik sa droga, nakapagtapos pa rin ng kolehiyo

Dating adik sa droga, nakapagtapos pa rin ng kolehiyo

Dating adik sa droga, proud na nakapagtapos ng kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel